Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions

MADALDAL NA CHARACTER ACTRESS, INIIWASANG KAUSAPIN NG MOVIE PRESS

9/20/2016

Comments

 
Nakakaloka as in nakakabaliw naman itong isang kilalang character actress dahil kung ang ibang artista ay tipid magsalita, itong si character actress ay sobrang daldal naman, dahilan kung bakit marami sa movie press ang ayaw na siyang kausapin.
Noong una akala namin ay tsika lang ang sobrang daldal ni aktres pero nitong huling lingo nang kausapin namin siya kasama ang ilan pang movie press ay aming napag alamang may katotohanan pala ang tsika. Isang tanong lang ang ibinigay ng lady reporter ay halos isang oras na siyang daldal nang daldal at wala pa ring patid ang kanyang pagkukuwento sa isang bagay na wala namang kuwenta.
Nagkakatinginan na ang movie press kung paanong puputulin ang topic pero sige pa rin sa kadadaldal si aktres kaya ang ginawa ng iba ay agad nagpaalam dahil sa totoo lang kung hindi mo aalisan si aktres ay tiyak na ikaw ay magsasawang pakinggan ang mga kuwento niyang wala namang kapararakan.
Say ng isang reporter, kaya daw ganun si aktres na ubod nang daldal kapag kinakausap ng movie press ay dahil bibihira lang itong mainterbyu at uhaw daw ito sa publisidad kaya naman kapag natatanong ay kung anu ano na lang ang pinagsasabi para lang humaba ang kuwentuhan.
Ang magandang aktres na sobrang daldal pero wala namang sense ang mga pinagsasabi ay galing sa Dos at ngayon ay nasa GMA 7 na. Maputi siya at may anak na sa asawang non-showbiz.
Ni Morly Alinio
Comments

    Archives

    December 2017
    September 2017
    April 2017
    January 2017
    December 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016

    Categories

    All

    RSS Feed

    RSS Feed Widget
ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved