LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Timmy Basil
NOW it can be told na ang may pasimuno, ang may utak at ang may pakana kung bakit may AlDub ngayon na kinababaliwan ng milyon-milyon, ay walang iba kundi si Allan K.
Sa programa ni Arnold Clavio, kinleym ni Allan K na siya ang nagsimula kung bakit may pinagkakaguluhang AlDub sa kasalukuyan.
Tiyak na matutuwa ang AlDub fans sa sinabi ni Allan na hindi nagbabago ang ugali ni Maine Mendoza. Tiyak na lalo siyang mamahalin.
Di natin malaman kung saan pa hahantong ang kanilang Kalyeserye. Ang sabi ni Joey de Leon, mahaba pa raw ang lalakbayin. Siyempre hindi naman puwedeng hanggang sa ligawan na lang sila nang ligawan, kailangan either sagutin o mabasted ni Maine si Alden, at kapag sinagot niya ito, siyempre hindi na puwede yung pa-dubsmash-dubsmash na lang sila o pasulat-sulat sa bond paper, kailangan na nilang mag-usap at magdikit at maghawakan, and then baka mamanhikan na si Alden, magpakasal, magka-anak, etc., etc. Magkaganun man, mukhang walang kapaguran pa rin ang AlDub fans na subaybayan ang kanilang idolo araw-araw sa telebisyon.
Back to Headlines
|