By John Fontanilla
Halos buong mundo na ang na-amaze sa kasikatan ng Aldub na tambalan nina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza dahil na rin sa palaging trending ang mga ito sa Twitter at hindi lang trending kung hindi na-break pa ng mga ito ang highest recorded tweets sa buong mundo.

Maging ang mga celebrities abroad nga ay nagtatanong na kung sino at ano ang Aldub dahil almost every day ay trending ang mga ito. Laman na rin nga ng usap usapan sa mga TV shows abroad ang AlDub kaya naman marami ang nagsasabi na hindi na lang basta pang local ang mga ito kung hindi pang international na. Happy nga sina Alden at Yaya Dub sa suporta sa kanila ng Aldub Nation at very thankful ang mga ito sa pamunuan ng Eat Bulaga dahil kung hindi dahil sa Eat Bulaga ay hindi nila matatamasa ang sobra sobrang kasikatan ngayon. |