Ni Lourdes Fabian
ILANG araw na ring pinagpipiyestahan sa social media ang larawan ng sexy actress na si Ellen Adarna na nakikipaghalikan sa presidential son na si Sebastian "Baste" Duterte. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot ni Ellen nang tanungin siya tungkol sa diumano'y secret romance na nabubuo sa pagitan nila ni Baste. Todo iwas ang 28-year-old actress na linawin ang real score sa pagitan nila ni Baste na kamakailan lang din ay nakasama niya sa Japan.
Naiulat na rin ang manager ni Baste na si Betchay Vidanes na super deny at lalong walang kinu-confirm sa tunay na estado ng relasyon ng dalawa.
Dahil dito kaya marami ang nagtatanong kung pinagpalit na ni Baste ang kanyang nobyang model na si Kate Necesario na ina ng kanyang ikalawang anak.
Dahil dito kaya marami ang nagtatanong kung pinagpalit na ni Baste ang kanyang nobyang model na si Kate Necesario na ina ng kanyang ikalawang anak.