LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Glen Sibonga
Pakiramdam daw ni Piolo Pascual ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang mapag-alaman niya ang tungkol sa sinabi ni Sharon Cuneta sa isang interview na nagsisi ito sa mga masasakit nitong sinabi noon nang maghiwalay ang anak nitong si KC Concepcion at si Piolo.
Sabi ni Piolo, “Siyempre, nakakataba ng puso. But at the end of the day, tao tayong lahat, nakakasakit, nasasaktan, nagpapatawad, nagmo-move on. Pero yun nga it’s a thorn off my chest pag nagkakaroon ka ng ganun na nagkakaayos kayo, nagkakabati, at nagkakapatawaran.”
Nagpakumbaba at humingi rin ng paumanhin si Piolo kay Sharon. “If there is anything I did to offend her and her family, I’m also sorry for it. Siyempre, just like what she said, nanay din e. She’s entitled to that. That’s why I apologize for it as well.”
Ano naman ang masasabi ni Piolo na natutuwa si Sharon na nagkabati na ang aktor at si KC? “Sino ba naman ang ayaw ng ganun? Napakaliit ng industriya natin, napakaliit ng mundo ng showbiz para magkaroon tayo ng kaaway.Yun ang iniiwasan ko sa lahat. Ayokong pumapasok sa trabaho ko with a heavy heart, so I always make sure that I’m at peace with everyone.” Wala pa raw pagkakataon na magkita sila ni Sharon. Pero kung sakaling magkasalubong sila ng Megastar, sinabi ni Piolo na siya na ang unang babati. “It’s a courtesy. Respeto rin sa nakatatanda, and of course, senior yun e. Ba’t naman makikipagtaasan ka pa ng pride?” Bukas ba si Piolo sa posibilidad na makatrabaho ulit si KC ngayong okay na sila ng aktres? “Yeah, wala naman akong iniiwasang katrabaho e. I’m all for what is good or what has potential sa box-office o sa TV. So, I can definitely work with anyone.”
Back to Headlines
|