Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


XIAN LIM AT KIM CHIU, AYAW PA RIN UMAMIN!

3/22/2016

Comments

 
Ni Glen Sibonga
​​Hindi pa raw handa sina Xian Lim at Kim Chiu na aminin sa publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon. Sa ngayon ayaw daw nilang lagyan ng label ang relasyon nila. Gayunpaman, aminado naman si Xian na mahal na mahal niya si Kim.
Picture
“Sinasabi ko naman na hindi ako takot na aminin na mahal na mahal ko si Kim. Hindi ako takot na halikan siya, hindi ako takot ipakita sa lahat ng tao na mahal na mahal ko talaga si Kim. But at the same time po… ang sinasabi ko lang po, pag sinabi natin sa lahat baka lang po magkaroon ng kumplikasyon. Mayroon naman pong proper time, mayroon namang proper place para sabihin po sa lahat ang relationship po namin,” sabi ni Xian.
Bakit sa tingin ni Xian magkakaroon ng kumplikasyon? “Kasi po bukas na bukas po iyan e. Iyan lang po ang sa akin, that’s my personal take po doon, na once na binuksan n’yo iyan sa publiko baka lang po marami pong masabi, marami pong istorya na magawa. Minsan po mayroon pong dagdag-bawas, iyon po ang natatakot ako. Natatakot ako na may mangyari pong masama sa relationship namin. So, pinoprotektahan ko lang po talaga.”
Gusto lang din daw proteksyunan ni Xian si Kim. “Kasi po pag si Kim ang nagsalita baka lang… iyon nga po ang ikinakatakot ko baka lang po mabigyan ng masamang kahulugan. Pero kung tinatanong n’yo po kung what’s me and Kim’s story, ang istorya po namin ni Kim ay nagmamahalan po kami,” pag-amin ng aktor.
Samantala, masayang-masaya sina Kim at Xian sa mga papuri at magandang pagtanggap ng mga manonood sa The Story Of Us. Sa ilalim ng produksyon ng Star Creatives, ang The Story Of Us ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Dolce Amore sa ABS-CBN Primetime Bida.
Comments

    Archives

    October 2017
    September 2017
    May 2017
    April 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015
    September 2015
    March 2015

    RSS Feed

    RSS Feed Widget
    RSS Feed Widget
ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved