LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Sinampahan ng kasong estafa ang mga taong humahawak sa career ng Pinay international singer na si Charice Pempengco na sina Mark Anthony Edano Juico at Jedmark Velasco Fernandez ng Cleverbox Events ni international promoter/producer Maria Rosario Risi Aureus. Nakausap ng press si Ms Maria Rosario kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio. Ayon nga sa salaysay ni Ms. Aureus, "Kinuha ko si Charice para mag-concert sa Rome, Dubai, at Switzerland para sa September 10-18. "Dapat after ng concert niya…may iba pa kaming pinag uusapang another concert.” Nagbigay na nga daw ito ng paunang bayad na P400K bilang downpayment kina Fernandez at Juico bilang kabayaran sa 25% asking DP (deposit) ni Charice sa talent fee nito na almost P1.6-M ang kabuuan. Pero hindi nga daw natuloy ang napag usapang konsiyerto dahil nagkaroon ng problema sa pagitan ni Charice at ng kanyang management. Nang makausap daw ni Ms Aureus si Charice ay nalaman nitong di pa daw pala nabibigyan ng downpayment ang Pinay international singer. Ni John Fontanilla Advertisement
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|