LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Morly Alinio Si AiAi delas Alas na mismo ang nagsabi na this time ay ang sarili naman niya ang kanyang aasikasuhin. “Nakalimutan ko may sari-sarili na nga rin palang pamilya ang mga anak ko at masaya na sila. Nakalimutan ko na ang aking sarili.” Ito ang pahayag ni AiAi na mariin ding sinabing next year ay ang kanyang sarili naman ang kanyang iintindihin at bibigyang kasiyahan. Naging mabuting single parent ang Comedy Queen na si AiAi sa kanyang mga anak na kung saan hindi lang pagmamahal ang ibinigay niya sa mga ito kundi buo niyang buhay. “Siyempre sila ang mundo ko. Kaya nga ako nagpapakahirap dahil sa kanila.”
At ito ang dahilan kung bakit isinaintabi ni AiAi ang kanyang kaligayahan lalo pa at nagkaroon din siya noon ng matrahedyang pag ibig kay Jed Salang. “Tapos na iyon, ayoko nang pag usapan ang mga ganung bagay. Ayokong bigyang puwang sa puso at isipan ko ang mga bagay na hindi maganda. Focus tayo sa mga masasaya.” Sabi din ni AiAi na next year ay wala siyang ibang gagawin kundi ang magtravel at pasayahin ang kanyang sarili at bigyang kunsuwelo dahil sa mahaba haba ding panahon ang kanyang pinaghirapan para makaipon. Si Gerard Sibayan na nga ang lalaking inaasahan ni AiAi na huling lalaking maghahatid sa kanya sa altar at makakasama habang buhay. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|