LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Limang araw ding nagbakasyon sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Europa at kitang kita naman sa aura ni Alden na nakabawi ito ng pahinga. Looking refreshed at walang bahid ng stress, ika nga. Kaiba sa mga unang byahe ni Alden sa labas ng bansa, ang recent European trip niya with Maine ay purely bakasyon lamang at walang trabaho. Kwento nga ni Alden, nakapag-recharge siya nang husto at feeling niya now ay mas marami siyang kayang gawing trabaho. Dagdag pa ni Alden, isa sa mga highlight ng kanyang byahe ay ang pagbisita niya sa Holy Trinity Convent sa Bad Driburg, Germany. "It's really seeing Mother General, yung sa Pink Sisters.
"Talagang yun yung highlight ng trip namin, talagang we found time to reflect on every thing that has been happening, to thank the Lord for blessings. "At saka iba yung seeing her in person, the head of Pink Sisters." Nauna nang nabisita ni Maine ang nasabing kumbento nang mag-side trip ito sa Germany matapos ang shooting nila sa Italy para sa pelikulang Imagine You and Me. Kung si Alden ay walang nai-post sa social media tungkol sa bakasyon niya, si Maine naman ay may isang selfie na kuha sa isang pamoso bilang most photographed telephone booth sa harap ng Big Ben sa London. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|