LIKE OUR FACEBOOK PAGE
PUNUMPUNO ng AlDub fans ang Trinoma Mall Activity Center noong Wednesday, March 30 kung saan magkasamang inanunsiyo nina Alden Richards at Maine Mendoza ang kanilang bagong project sa launching nila bilang endorsers ng Bench Fix Clay Doh Lite (for Alden) and new Bench scents named after Maine. Hindi nga makapaniwala si Maine that she has her own fragrance line from Bench. Kitang-kita sa mga ngiti ni Mr. Ben Chan kung gaano siya ka-happy nang i-welcome niya ang dalawa bilang bagong Bench celebrity endorsers. Kinilig at super excited na ngayon pa lang ang mga AlDub fans sa magandang balita nina Alden at Maine na bagong proyekto na ilu-launch daw sa July, in time para sa kanilang first anniversary bilang magka-love team. Walang humpay ang tilian ng mga fans nang i-dedicate ni Alden ang awiting God Gave Me You kay Maine.
Walang clue na ibinigay tungkol sa kanilang bagong proyekto, pero sabi ni Alden, “It's something everyone has been waiting for." Ayon naman kay Maine, ito ang magsisilbing anniversary gift nila ni Alden para sa kanilang mga tagasuporta. Nabuo ang phenomenal loveteam nina Alden at Maine noong July 16, 2015 sa 'Juan for All, All for Juan' segment ng noontime variety show na Eat Bulaga. Hula ng nakararami ay magkakaroon muli ng pelikula sina Alden at Maine na sila na ang bida. Una silang nagtambal sa big screen sa MMFF 2015 entry na My Bebe Love (#KiligPaMore) kung saan nakasama nila sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas. Usap-usapan ding sila ang magbibida sa Pinoy version ng hit Koreanovela na My Love From The Star. For sure, may kanya-kanya ng hula ang AlDub fans sa magiging proyekto nina Alden at Maine sa kanilang unang anibersaryo bilang magka-love team. One thing is sure, tiyak na more and more kilig ang hatid nito sa AlDub nation. Ni Lourdes Fabian LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|