LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Veronica Samio Mula nang ibulgar ni Max Eigenmann ang paternity o tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie ay wala pang sagot o reaksyon dito ang kabataang aktres. Nagsalita na ang kanyang inang si Jaclyn Jose, ang mga nasa kabilang partido na pinangungunahan ni Jake Ejercito na nung isang taon pa alam na anak niya ang bata pero, hindi lamang nagsasalita, at maging ang ina nitong si Laarni Enriquez at amang si Joseph ‘Erap’ Estrada pero, tahimik pa rin si Andi. Nagbigay na rin ng reaksyon si Albie Casino na matagal ding dinala ang pagbibintang sa kanya ni Andi pero, dahilan marahil sa napaka-gandang takbo ng kanyang karera ay nagawang maging generous sa mga naging kaganapan. Sila ng kanyang ina ay parang natapos na ang pagtatanim ng sama ng loob sa aktres na nagbintang kay Albie. Ngayon ay maliwanag na ang lahat. It's your move, Andi.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|