LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Veronica Samio Kung gugustuhin ni Ogie Alcasid ay mapapakanta na niya professionally ang anak nila ni Regine Velasquez na si Nathaniel James Velasquez-Alcasid o Nate. Sa murang gulang ay nagpapamalas na ito ng kagalingan sa pagkanta. Sa pre-concert ng kanyang ina ay kumanta ito na ikinahanga ng lahat dahil hindi basta basta ang boses na narinig sa kanya, talagang may timbre ito at hindi nahihiya na humarap sa napakaraming bisita na dumalo sa nasabing event. Pero, ayaw pa ni Ogie, at maging ng Asia’s Songbird na sumabak sa maagang pagtatrabaho ang bagets. Mas gusto nilang mag aral muna ito at ma-enjoy ang kanyang kabataan. Baka kapag malaki na siya at naroon pa rin ang kagustuhang kumanta, baka pumayag na sila pero, hindi pa ngayon na napakabata pa nito. Hayaan na muna nitong mauna ang kanyang ate Leila Alcasid. At baka mauna rin sa kanya ang ate Sarah Alcasid niya na kapag nakatapos ng high school ay papasukin din ang pagkanta. By then, baka sumunod na rin sa kanila si Nate.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|