LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Veronica Samio Matagal nang direktor si Carlo Caparas na bukod sa isang mahusay na nobelista na nakapag-ambag ng maraming magagandang kuwento na nagbibigay kasiyahan sa marami niyang mambabasa ay isa ring mahusay na direktor sa pelikula. ![]() Pero, matagal nang hindi gumagawa ng pelikula si Carlo. Nagbabalik lamang siya matapos na makumbinse ni Jun Sevilla ng De Oro Siete Films na isalin sa pelikula ang isa niyang nobela tungkol sa isang kabataang babae na na-gang rape ng limang lalaki na binalikan nito at isa isang pinatay bilang paghihiganti. Ikalawang pagsasapelikula ito ng isang obra ni Caparas. Yung una ay dinirek ng kapwa niya National Artist na si Lino Brocka at tinampukan ni Hilda Koronel bilang Angela Markado. Ang ikalawang pagsasalin ng Angela Markado sa pelikula ay ang nobelista mismo ang magdidirek na magiging senyales ng kanyang pagbabalik sa isang trabaho na kung saan ay kinilala din siya pero, matagal na niyang iniwan. Sa kalipunan ng mga artistang babae ngyaon, napili niya si Andi Eigenmann para gampanan ang role ng rape victim. Gaganap na rapist ni Andi sina Epi Quizon, Paolo Contis, Polo Ravales, CJ Caparas at Felix Rocco. Hindi basta basta rape scene ang magsisilbing highlight ng movie na kinunan nang halos isang linggo. Maraming ipinaulit na eksena si Carlo kaya nagtagal ng maraming araw ang pagkuha sa eksena. Nagkapasa-pasa si Andi dahil ipinaghahagis siya ng rapists niya at nasipa pa sa katawan at mukha ni CJ. Pero, walang angal ang batang aktres kaya humanga nang husto sa kanya ang direktor niya at tinawag pa siyang isa sa pinaka-magaling na Eigenmann na nakilala niya. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|