LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Favatinni San ISANG malaking project ang pagsasalin sa telebisyon ng 'Ang Panday’. Ito ay likha ng premyadong manunulat/direktor na si Carlo J. Caparas na unang ginawang pelikula ni Fernando Poe, Jr. Ang apat na ‘Ang Panday’ movies ni Da King ay naging top grosser lahat sa Metro Manila Film Festival. Ni-remake din ito ni Bong Revilla at sinatelebisyon na rin ng isang network. Choice talaga ni Vic del Rosario si Richard Gutierrez para sa role ni Flavio kaya kinausap niya si direk Carlo J. na siya ring consultant for TV version sa TV5 at umayon ang mister ni Donna Villa. Kung sabagay, marami nang nagampanan na bida roles si Chard sa TV kabilang na ang ‘Kamandag’ na si CJC rin ang may likha.
Mapaghamon ang role ni Chard sa ‘Ang Panday’ at ang una niyang makakalaban ay si Christopher de Leon bilang si Lizardo. Kalaban din niya si Regine Tolentino. Tatlo naman ang kanyang magiging leading ladies na sina Jasmine Curtis, Bangs Garcia at Sam Pinto. Sidekick niya ang bagong child wonder na si Alonzo Muhlach at makakasama rin sina Ara Mina at Empoy. Ito ay mula sa direksyon ni Mac Alenjandre. Matagal-tagal ding hindi nakita si Richard sa telebisyon since nag-expire ang kanyang kontrata sa GMA-7 at di nagtagal, inamin ng aktor na may anak na siya kay Sarah Lahbati. Sa isang banda, positibo naman ang big boss ng Kapatid Network na muli nilang maibabalik ang kasikatan ni Richard via ‘Ang Panday’. Marami sa kanyang hukbo ng fans ang nananabik na muli siyang makita sa fantasy TV series kaya naman lahat sila ay nakaabang na sa ‘Ang Panday’ na mapanood na sa Peb. 29, weeknights @8:30pm sa TV5. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|