LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Lipad, Darna! Kumpirmadong si Angel Locsin ang gaganap na Darna sa pelikulang gagawin ng Star Cinema. Ayon sa Star Cinema, marami ang pinagpilian na gaganap na Darna pero isa lang talaga ang sigaw ng lahat – si Angel Locsin lang ang karapat dapat. Isa sa mga taga-Star Cinema ang nakausap namin na nagsabing si Angel lang daw talaga ang bagay na Darna sa bagong henerasyon dahil bukod sa sexy ay taglay nito ang katangian ng isang artistang puwedeng gumanap na superheroine. Wala pang pag amin mula kay Angel Locsin pero puspusan ang ginagawa ngayong pagpapagamot ni Angel sa kanyang spinal cord. Mangangailangan kasing isalang muli ang dalaga sa harness sa mga eksenang lumilipad siya bilang Darna. Kamakailan ay nag post si Angel sa kanyang Instagram account ng isang caricature kunsaan magkasama sila ni Marian Rivera bilang Darna. Ang caricature, na regalo kay Angel ng isang fan, ay umani ng maraming comments sa social media. Maloloka naman daw ang lahat kapag ini-reveal na kung sino ang magiging kalaban ni Darna sa gagawing pelikula ng Star Cinema. Dalawang sikat na aktres daw ang magiging kontrabida. Kung sino ang mga ‘yun, well abangan na lang po natin. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|