Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


ANGELICA PANGANIBAN MAS NAGING MASAYA NANG MULI SILANG MAGKITA NI JOHN LLOYD CRUZ SA HONGKONG

4/18/2016

Comments

 
​Walang balikang nangyari pero wala ring sumbatan at pagtatalo nang magkita ang dating magkarelasyong sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz sa Hongkong noong Holy Week. 
Matagal na ang eksenang pagkikitang iyon na kung saan sa isang gallery ay hindi inaasahang magsalubong ang landas ng dating magkatipan kasama ang iba pa nilang kaibigan na sina Charlene Gonzales at Aga Muhlach. 
Hindi man nagkabalikan o tuluyang natuldukan ang relasyon, para kay Angelica ay masaya na ito sa nangyari at least nagkaroon ng ending ang matagal nang isyung pinag uusapan. 
Picture
Ayaw nang idetalye ni John Lloyd kung paano silang nagkita at nagkausap ni Angelica. Maging si Angelica ay ipinakiusap na huwag nang pag usapan pa kung ano ang naging reaction nila ni John Lloyd sa isa’t isa nang hindi inaasahang sila ay magkita. 
Kung noon hindi alam ni Angelica kung saan siya dapat lumugar, ngayon ay alam na alam na ng dalaga. “Yun lang naman ang importante. Yung malaman ng isang tao kung ano talaga ang sitwasyon kasi from there, makakakilos ka nang maayos kung ano ang dapat mong gawin kung alam mo na ang tunay na sitwasyon.” 
Ayon pa rin sa aming source na nakasaksi sa di inaasahang pagkikita nina Angelica at John Lloyd, “Parang wala lang. Civil lang ang lahat. Pero kaipokritahan namang sabihing hindi sila nagulat sa isa’t isa noong magkita. Siyempre nagkagulatan din pero at the end of the day naging maayos ang lahat.” 
Nang dumating daw sa Pilipinas si Angelica mula sa Hongkong ay mas naging masaya at kumportable ang dalaga. “As far as I know walang balikang nangyari. Nagkataon lang na parang dun nagtapos yung relationship nila.” 
Ngayon, kahit magkita pa sila Angelica at John Lloyd mas magiging maayos daw ang lahat sa dating magkasintahan dahil alam nilang ‘napasalamatan’ na nila ang bawat isa sa pagmamahal na ibinahagi nila sa isa’t isa.
Ni Morly Alinio
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved