Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions

HAPPY 50TH BIRTHDAY SIR JIM

1/31/2019

Comments

 
Picture
Picture
Ni Timmy Basil
​Mula 2001 ay ini-invite na ako ng ating Boss dito sa Showbiz Sosyal at Psalmstre Enterprises na si Sir Jim Acosta at noong January 30, ginanap na naman ang kanyang  birthday na ginawa sa St . Nicholas Cathering sa Mandaluyong City. 
       Bukod sa kanyang pamilya ay dumagsa din ang mga kaibigan ni Sir Jim sa corporate world, media, business partners, models and celebrity 
     Siyempre, hindi puwedeng mawala ang celebrity endorser ng New Placenta for Men na si  Ejay Falcon na hanggang ngayon ay malaki ang utang kay Sir Jim dahil 
after lumabas ng Pinoy Big Brother House ni Ejay ay si Sir Jim ang unang nagtiwala sa kanya na maging male model ng New Placenta. 
     Nawala si Ejay ng ilang taon and then ngayon ay muling nagbalik. 
      Napakagwapo pa rin ni Ejay, hunk na hunk pa rin  .
      Of course, hindi naman pahuhuli si  Stephany Stefanowitz na endorser ng New Placenta for more than 6 years now at ang mukha ni Stephany ang makikita sa  sabon ng New Placenta. Join din siya sa celebration at may dala pang wine. 
    Hindi man iyon ang pinaka-bonggang birthday ni Jim (na di tulad ng dati na ginaganap niya sa isang venue na may pool at may modelling pa) pero sa tingin ko , yun ang most unforgettable birthday niya dahil unang-una,  golden year niya iyon plus napakasaya ang party hosted by Dodong Jerome na nambibigla. Biro nyo, nananahimik ako sa isang sulok , bigla ba naman akong tawagin para  maghandog ng isang awitin, mabuti na lang at may naka-ready nang mga minus one sa Youtube, mamili ka na lang . Siyempre, ang kinanta ko ay ang sikat na sikat ngayon, ang "Buwan" ni Juan Karlos na sa tingin ko, nabigyan ko naman ng justice.
      After the party, na-interview namin nina John Fontanilla at Noel Asinas si Sir Jim at masaya niyang ibinalita sa amin na yung kanyang mga scholars dati , ngayon ay isang 
ganap nang engineer na  sa kasalukuyan ay  tinatayo nila ang business regarding Waste Water Management na vital sa panahon ngayon. 
      Kinumusta rin namin ang takbo ng kanyang negosyong New Placenta at as usual  okey pa rin ito dahil  nasa malalaking stores and malls na ito at nasa Mercury Drug Stores na rin na paulit-ulit na lang ang orders. 
 Matagal na ring ini-export ang New Placenta products at ang sabi nga ni Sir Jim "Saan mang bansa, kapag may Pinoy, may New Placenta".
      Happy 50th Birthday Sir Jim.
Photo Credit: Joy Arguel, Alex Moico

Picture
PSALMSTRE NEW PLACENTA SOAP
Comments

The One 690 level-up ang Production Numbers

1/22/2019

Comments

 
Picture
Picture

Inilunsad ng   matagumpay na negosyante at Mr. Gay World Philippines 2009 na si Wilbert Tolentino  ang evolution ng entertainment bar. Kakaiba ang  24 production number na inihanda  na swak  sa mga millennial.
Level up na ang mga masasaksihang palabas sa The One 690  na matatagpuan sa  39 Roces Ave., Quezon City infront of Amoranto Sports Complex. 
Iba na ang kalidad na mapapanood ngayon  sa apat na dekada ng The One  690.
Nagsimula ito noong 1972. Naabutan pa ang martial law  na kung saan ay may curfew . Bawal pa pumasok ang mga babae noon. Itinayo  ang Club 690 ni Boy Fernandez at pinamahalaan  ni  Raoul Barbosa. Pansamantala itong nagsara  hanggang muling binuksan ni  Sir Wilbert katuwang   ang co-owner manager na si  Mami Genesis  Gallios. Tinawag na itong The One 690. Sila rin ang nagkonsepto ng  ebolusyon ng show.
“Since 2004 binigyan ako ng basbas na  ipagpatuloy ang 690 ni Boy Fernandez sa akin dahil nakita nya ang passion ko sa entertainment industry & the rest is history,” paglalahad ni Sir Wilbert.
Sa pagdaan ng panahon babae na ang nagsusulputan sa ganitong klaseng entertainment bar. Hindi na solo  ng mga kabadingan.Puwede na  sa lahat ng gender.Hindi na kailangang magdalawang isip pa ang mga babae para pumasok.
So , The One 690 ang  ang unang magsi-set ng high standard caliber ang entertainment sa henerasyon ngayon.
Inihain nila ang makabagong production number na pasado sa panlasa ng mga kababaihan at sangkabekihan. Mas fabulous., amazing ang show na pasabog ang costume. Nandiyan ang Las Vegas-type shows,  Broadway sa New York at Moulin Rouge sa Paris. Pang-world class talaga.
Of course, hindi pa rin nawawala ang mga seksi at guwapong modelo sa kanilang katakam-takam na performance.
“ ‘Yung  24 production  number ay  teaser pa lang . Inimbitahan ang mga committee , press, bloggers para makapanood at makapagbigay ng pointers, score at survey para sa unang pasabog ng THE ONE 690 step up 2019 & LEVEL UP Millennials production show. Ang One 690 ay  tinatawag  na “THE CLUB THAT STARTED IT ALL ng Pilipinas . Siya rin  ang kauna-unahang gay bar entertainment bar na may billboard sa EDSA at sa mga highway,” bulalas pa ni Sir Will. 
“Ni-level up namin  ang The  One 690 dahil girls night out na ang trending sa millennials.Maraming ganap na rin gaya ng bridal shower party.
“Open minded na ang society ngayon compare sa 70’s 80’s & 90’s na henerasyon Sumasabay na ang entertainment bar sa makabagong panahon,” sambit pa niya.
Nagpasalamat din siya  sa mga taong naniniwala sa kakayahan nila ni  Genesis sa entertainment industry at  sa suporta nakukuha nila sa mga parokyano.
 Bolder. Wiser. Sexier kung isasalarawan ang  THE ONE 690 ENTERTAINMENT BAR. May tagline  din ito na QUALITY MEN ENTERTAINMENT . Bisitahin ang kanilang  website na www.690manila.com 

​​Bukod  dito, nag-decide sina Wilbert at Genesis na magtayo pa rin ng  bagong entertainment bar  na  APOLLO WORLD CLASS MALE ENTERTAINMENT & KTV BAR. Matatagpuan naman  ito sa  717-B Roxas Boulevard,  Paranaque City (malapit sa Baclaran). Gaya sa The One 690 mapapanood din dito ang mga pasabog na production show.
"’Old school gay bar' no more!," pagtatapos ni Sir Wilbert.
​Iba na ang kalidad na mapapanood ngayon  sa apat na dekada ng The One  690.
Nagsimula ito noong 1972. Naabutan pa ang martial law  na kung saan ay may curfew . Bawal pa pumasok ang mga babae noon. Itinayo  ang Club 690 ni Boy Fernandez at pinamahalaan  ni  Raoul Barbosa. Pansamantala itong nagsara  hanggang muling binuksan ni  Sir Wilbert katuwang   ang co-owner manager na si  Mami Genesis  Gallios. Tinawag na itong The One 690. Sila rin ang nagkonsepto ng  ebolusyon ng show.
“Since 2004 binigyan ako ng basbas na  ipagpatuloy ang 690 ni Boy Fernandez sa akin dahil nakita nya ang passion ko sa entertainment industry & the rest is history,” paglalahad ni Sir Wilbert.
Sa pagdaan ng panahon babae na ang nagsusulputan sa ganitong klaseng entertainment bar. Hindi na solo  ng mga kabadingan.Puwede na  sa lahat ng gender.Hindi na kailangang magdalawang isip pa ang mga babae para pumasok.
So , The One 690 ang  ang unang magsi-set ng high standard caliber ang entertainment sa henerasyon ngayon.
Inihain nila ang makabagong production number na pasado sa panlasa ng mga kababaihan at sangkabekihan. Mas fabulous., amazing ang show na pasabog ang costume. Nandiyan ang Las Vegas-type shows,  Broadway sa New York at Moulin Rouge sa Paris. Pang-world class talaga.
Of course, hindi pa rin nawawala ang mga seksi at guwapong modelo sa kanilang katakam-takam na performance.
“ ‘Yung  24 production  number ay  teaser pa lang . Inimbitahan ang mga committee , press, bloggers para makapanood at makapagbigay ng pointers, score at survey para sa unang pasabog ng THE ONE 690 step up 2019 & LEVEL UP Millennials production show. Ang One 690 ay  tinatawag  na “THE CLUB THAT STARTED IT ALL ng Pilipinas . Siya rin  ang kauna-unahang gay bar entertainment bar na may billboard sa EDSA at sa mga highway,” bulalas pa ni Sir Will. 


Comments

RICHARD GOMEZ BISAYANG-BISAYA NA

1/22/2019

Comments

 
Ni Timmy Basil
Picture
Picture
​ITS nice to know nasa ilang taong pamamalagi ng aktor na si Richard Gomez sa Ormoc City kung saan siya ang kasalukuyang mayor sa nabanggit na lugar ay kaagad niyang natutunan ang salitang Bisaya , at hindi lang basta natuto, naging bihasa, kuhang-kuha na ni Goma ang tamang diction  at tamang intonation ng salitang Bisaya.
     At sa tuwing may free time si Goma, nagbo-vlog siya at ipinapakita niya ang kanyang simpleng buhay doon.
      Sa kanyang bahay, may mga alaga siyang native chicken at kapag wala siyang ulam ay pupunta lang siya sa mga pugad at kukuha ng  organic egg para lutuin. 
     Labis akong humahanga kay Richard dahil unang-una,  di ko akalain na iiwanan niya ang kanyang marangyang buhay sa showbiz para maging public servant sa bayan ng kanyang magandang esposa na si Cong. Lucy Torres Gomez . Di ko inakala na ipagpalit ni Goma ang ningning ng mundong kanyang ginalawan sa loob ng ilang dekada para lang ilaan ang kanyang oras  at serbisyo para sa mga taga-Ormoc
      Kung tutuusin, bago siya naging alkalde ng Ormoc ay hindi naman nawala si Richard sa sirkulasyon pero masasabing ito talaga ang kanyang calling. Dahil kay Goma,  lalong nakikilala ang Ormoc. Eh dating hunk at sikat na  actor ba naman ang namumuno sa naturang lugar eh di sikat din ang naturang lugar pati ang mamamayan?
      Anyway, more raw and simple  vlogs Mayor RIchard Gomez, nakaka-proud na maringgan ka na nagsasalita in full Bisaya. Please update as more sa mga "kalambuan" (development) diyan sa Ormoc City.
   Mabuhay ka!

Comments

Boses Kids 2018 ng Shopalooza Bazaar Matagumpay!

1/15/2019

Comments

 
Ni John Fontanilla
Picture
​Naging matagumpay ang singing contest na “ Boses Kids “ na ginanap ang grand finals last January 12 sa Foodcourt, Shopalooza Bazaar Plaza Area , Riverbanks Marikina . Hosted by GMA Artist Center Butch Rivero.
Among 15 contestants ay itinanghal  na 2018 Boses Kids Grand Champion si Jhennie Fe Ochavillo , habang 1st Place naman si Tessa Mae Galle at 3rd Place si Austin Charles Ocampo.
Nagsilbing hurado naman ng gabing iyon ang DZBB 594 Anchor/Barangay 97.1LSFM na si DJ Janna Chu Chu , 2018 PMPC Stars Awards For Music 2018 Best New Female Recording Artist / 2018 World Excellence Japan Awards Teen Female Performer Of  The Year   at Ivory Records Recording Artist Rayantha Leigh at ang GMA Artist Center  Staff  Henry .
Comments

Sylvia Sanchez excited sa Role ni Arjo Atayde sa The General’s Daughter!

1/15/2019

Comments

 
Ni John Fontanilla
Picture
​Excited daw ang Award winning actress na si Sylvia Sanchez sa role na gagampanan ng kanyang anak  na si Arjo Atayde sa  Kapamilya newest Teleserye na The  General’s  Daughter dahil ibang-iba daw ito sa mga role na nagampanan na ni Arjo.
 
Tsika nga ni Ms Sylvia  “Si Arjo, lalabas na ‘yung General’s Daughter nila, soon. And excited ako rito kasi autistic siya roon. So ibang role na naman ito kay Arjo.
 
“From kontrabida to mabait na anak sa Hanggang Saan, tapos to autistic, tapos RomCom nila ni Jessy (Mendiola na Stranded), which is palabas na sa February yata? Tapos ‘yung Tol na comedy, ang bida ay siya, si Ketchup, ‘tsaka si Joross Gamboa .
 
Dagdag pa nito “So natutuwa ako kay Arjo kasi iniikot niya… comedy, drama, kontrabida, RomCom, na never kong na-experience. Pero natutuwa ako ngayon kay Arjo, kasi, kapag nakapasa lahat si Arjo sa comedy, magaling siya roon, tapos magaling siya sa RomCom, kompleto siya, ‘di ba?
 
“Sobrang proud ako sa mga anak ko. Sobra! Gusto kong mas sumikat pa sila sa akin.”
 
 “So, sa General’s Daughter autistic siya na anak ni Maricel Soriano… Na sinasabi nila, even Maricel Soriano called ha, ‘Watch out! Ang galing ng anak mo!’ Sinasabihan ako ni Maricel, ‘Watch out, ang galing galing ni Arjo!’ Sabi niya, ‘Kung pinag-usapan si Joaquin (karakter ni Arjo sa Probinsyano), mas pag-uusapan ito.”
Kung blessed daw sa dami at magagandang proyekto ang kanyang mga anak na sina Arjo at Ria ay hindi naman pahuhuli si Ms Sylvia dahil bukod sa kanyang bagong Teleserye sa ABS CBN ay may mga pelikula pa itong ginagawa at ang kanyang Online Show na “ Sylviahera “ na click na click sa mga manonood.
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved