Ni Noel Asinas PAHINGA muna si Julie Anne San Jose sa pagda-drama sa soap opera ng GMA network. Bagkus, aatupagin muna niya ang nalalapit niyang solo concert. Hindi pa alam kung kailan at kung saan ang venue. Pero, ang bagong concert niya ang pagtutuunan niya ng panahon.
Ani Julie Anne sa last taping day ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, “Gusto ko munang magpahinga sa madalas na pag-iyak. Very intense ang mga eksena ko, minsan nadadala ko sa bahay ang character ko.” Ni Noel Asinas TAKOT nang umibig muli si Katrina Halili. Ilang taon na simula nang hiwalayan nila ni Kris Lawrence. Career muna ang kanyang inaasikaso. Nagbunga naman dahil may bagong programa siya, ang D’Originals, na magsisimula sa April 17 bilang kapalit ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa.
Ang D’ Originals ay ang bagong pinakakwelang soap ng GMA 7 na bubulabog sa mainit na hapon. Siyempre, may drama ding matu-tunghayan dahil bida rin ang award-winning actress na si Jaclyn Jose. Riot sa katatawanan ang handog ng GMA Afternoon Primetime. Kasama sa cast sina LJ Reyes, Mark Herras, Meg Imperial, Kim Domingo, Jestoni Alarcon, Lovely Abella, at iba pa. Ni Timmy Basil THE name Sheryl Alcantara may not ring a bell to many of us pero isa siya sa muling naglagay ng mapa ng Pilipinas sa mundo ng ramp modelling. Isa sa masasabi kong biggest achievement ni Sheryl ay nang maging parte siya sa Paris Fashion Week last year kungsaan hinangaan ang kanyang suot-suot na gown na gawa ng isang Pinoy fashion designer na naka-base sa abroad. Naging cover girl din siya sa isang sikat na international magazine.
Marami tayong matututunan kay Sheryl. Hindi niya ikinakahiya na siya'y 39 years old na (probably the oldest sa mga rumampa sa Paris Fashion Week) pero hindi halata sa kanyang itsura dahil batambata siya't ang kinis ng kutis. Pang New Placenta ang beauty hehehe. Ni Favatinni San HINDI nakaapekto sa relasyon nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger ang paglantad ni Kit Barraquia, isang model at fitness enthusiast. Mas lalong naragdagan ang karisma ni Marlon kaya’t lalo pa siyang bumagay sa ganda ni Pia. Proud pa rin na sinabi ni Pia that "He's mine,” na pertaining of course to Marlon.
Sa presscon ng KB Skin Whitening ay mariing sinabi ni Bela Padilla na sobrang saya niya sa tuwing nakikita niya ang kanyang larawan na nakasuot ng Darna na gawa ng mga fans kasama ang iba pang artista na sinasabing posibleng maging Darna matapos ideklarang hindi na muling makakalipad si Angel Locsin para sa nasabing pelikula ng Star Cinema.
“Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko siyempre yung bagong artista, yung bagong mukha, para kakaiba talaga.” Ni John Fontanilla Mukhang walang katotohanan ang mga napapabalitang naka-freeze at wala munang proyekto ang sikat na loveteam nina James Reid at Nadine Lustre or mas kilala bilang Jadine.
Dahil kung nagtapos man ang kanilang serye ay kaliwa't kanan naman ang shows ng Jadine abroad kung saan ngayon ay nililibot nila ang Amerika habang naghihintay ng panibagong proyekto. Ni Veronica Samio Kung ang pamilya ni Daniel Matsunaga ang masusunod, maaring wala nang balikan sa pagitan nila ni Erich Gonzales. Baka kung hindi pa nadamay ang mga magulang ng Brapanese hunk ay magkaro'n pa ng tsansa ang reconciliation pero, dahil nadamay nga ang pamilya niya na sinasabing nanamantala sa aktres at nagkaro'n din ng isyu sa pera kung kaya kinailangang ipagtanggol ng kapatid ni Daniel at maging ng kanyang ama ang kanilang pamilya.
Ni Morly Alinio Handang handa na ang bagong programa ni Kris Aquino na nakatakdang itanghal sa GMA na isang travel special pero ang time slot ay sa gabi mapapanood.
Ayon sa aming source, tapos na raw ang ilang bahagi ng pilot episode ng bagong show ni Kris. Bale ang inaantabayanan na lang ngayon ay kung kailan ito maipapalabas. “Ang dinig ko ay posibleng isabay ito sa anniversary ng show ni Vice Ganda,” kwento ng aming nakausap. Ni Morly Alinio Marami ang pinagpipilian kung sino ang gaganap na Darna sa movie ng Star Cinema pero sa dinami dami ay bukod tanging sina Liza Soberano at Julia Montes ang malapit sa katotohanan na posibleng maging Darna.
Marami ang nalungkot nang ideklarang hindi na muling makakalipad si Angel dahil sa karamdaman nito sa likod at dahil dito, ang dami daming pangalan na ng artistang babae under ABS-CBN ang naglabasan na posibleng gumanap na Darna pero among them ay sina Julia Montes at Liza Soberano ang may pinakamahabang “request” na gumanap na Darna. Ni John Fontanilla Sa ilang taon ng pagsali ng mga pelikula ni Jacky Woo sa mga international film festivals ay ngayon lang niya nasungkit ang Best Actor trophy.
Ito ay sa katatapos lang na International Filmmaker Festival of World Cinema na naganap sa London, England. Sa mga nagdaang filmfest ay mga technical awards lang ang nakukuha ng mga film entries ni Jacky. Kaya overwhelmed siya sa katatapos na film festival nang manalo para sa pelikulang Tomodachi. Ito ay susundan pa sa Nice, Madrid, Berlin, Milan, at sa Amsterdam. |
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|