Ni Veronica Samio Isa sa magandang katangian ni Coco Martin ay ang pagiging maingat sa mga trabahong pinapasok niya. Isa ang movie niyang Ang Panday sa apat na napili para makasali sa MMFF 2017. Ito ay batay lamang sa script na isinumite ng produksyon na gagawa ng pelikula na pinasikat ni FPJ na bukod sa siya ang gaganap sa title role ay siya pa rin ang magpo-prodyus at magiging direktor.
Ni Glen Sibonga Puno ng pasasalamat sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa sunud-sunod na blessings na natatanggap nila ngayong taon. Kasama na riyan ang blockbuster hit movie nilang Can’t Help Falling In Love under Star Cinema, ang pagkahirang sa kanila bilang Box-Office King and Queen sa Guillermo Box-Office Entertainment Awards dahil sa tagumpay sa takilya ng pelikula nilang Barcelona: A Love Untold noong isang taon, at ang kanilang matagumpay na pagbabalik sa primetime TV sa pamamagitan ng pinagbibidahan nilang toprating ABS-CBN teleseryeng La Luna Sangre.
Ngayon ay may panibagong blessing na namang dumating sa kanila dahil sila ang napili ng Yes! Magazine para maging cover ng 11th year special issue ng inaabangang Yes! 100 Most Beautiful Stars 2017. Pangalawang beses na ito ni Kathryn dahil nauna na siyang mailagay sa cover noong 2013 kasama si Julia Montes. Ngayong taon ay ang loveteam naman nila ni Daniel ang bida sa cover. Ni Veronica Samio Matapos ang ilang araw na pagbibida sa social media, na-realize na marahil ni Nadine Lustre ang malaking pagkakamali na ginawa niya sa pag amin ng pakikipag-live-in kay James Reid. Inakala kasi niya na dahil sa milenya na at makabago na ang panahon kung kaya tanggap na ng mga Pinoy ang live-in arrangement.
Ni Joy Bautista Bata pa lamang ay pag-arte na sa harap ng salamin ang hilig ng dating Pinoy talent na si CJ Reyes kaya’t nang ipagpatuloy niya ang kaniyang hilig ay nakamtan niya ang kanyang pangarap na umarte sa harap ng kamera.
Bago nagsimulang mamayagpag ang career ng aktor, marami muna itong pagsubok na dinaanan. “I tried hundreds of VTRs before I got one project. Medyo nakaka-frustrate pag di nakukuha, pero eventually masasanay ka naman, parang nagiging training ground ko yung pag attend ng auditions and VTRs.” |
New Placenta Soaps
Archives
January 2019
Categories
All
|