LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Sa presscon ng KB Skin Whitening ay mariing sinabi ni Bela Padilla na sobrang saya niya sa tuwing nakikita niya ang kanyang larawan na nakasuot ng Darna na gawa ng mga fans kasama ang iba pang artista na sinasabing posibleng maging Darna matapos ideklarang hindi na muling makakalipad si Angel Locsin para sa nasabing pelikula ng Star Cinema. “Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko siyempre yung bagong artista, yung bagong mukha, para kakaiba talaga.” Ayon sa aktres, walang sinumang aktres ang hindi nangarap na gumanap na Darna. “Honestly, gusto ko ang Darna pero mas gusto kong gumanap na sirena or Dyesebel para naman magamit yung kaalaman ko sa paglangoy.”
Mas gugustuhin daw ni Bela ang sumisid kesa sa lumipad. “Mas magiging challenging sa akin kung magkakaroon ng remake ng Dyesebel at ako ang kanilang kukunin.” Willing magpakita ng dibdib si Bela kung sakaling i-remake ang Dyesebel dahil wala namang sirenang nakadamit. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|