LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Timmy Basil MULA nang lumipat ang seksi at magandang si Bela Padilla sa ABS-CBN, inulan na siya ng suwerte. Mas dumami ang kanyang mga tagahanga nang mapasama siya sa top rating na teleseryeng "Ang Probinsiyano", kunsaan naipakita niya ang kanyang husay at galing sa pag-arte. Samantala, kagabi (Sunday, March 6) ay ginanap ang 32nd PMPC Star Awards for Movies sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, Pasay
City. Ang mga hosts ay sina Piolo Pascual, Kim Chiu, Xian Lim, Alex Gonzaga, Robie Domingo at si Bela Padilla. Sina Piolo, Kim, Xian, at maging si Alex ay masasabing beterana na sa pagho-host hindi lang sa telebisyon kundi sa Star Awards mismo. Ilang beses na silang naisalang kaya all eyes kaming mga taga PMPC kay Bela Padilla dahil first time niya ito pero base sa kanyang ipinakita, aba, pasado bilang host si Bela. Kering-keri niyang makipagsabayan sa mga beterano't beterana na sa pagho-host sa Star Awards. Congratulations, Bela! Samantala, sa opening number, bilang pagpupugay sa ‘Love Teams And Love Themes Of Philippine Cinema,’ naghandog ng awitin sina Jed Madela, Yeng Constantino, Christian Bautista, Morisette Amon, Mark Bautista at Juris. Humataw naman at nagpakilig sa kanilang dance number ang Hashtags na kinabibilangan nina Zeus Collins, Jon Lucas, Jameson Blake, Ryle Santiago, Luke Conde, Jimboy Martin, Ronnie Alonte, McCoy de Leon, Nikko Natividad, Tom Doromal at Paulo Angeles. Nagbigay tribute din sa namayapang Master Showman German Moreno ang Concert King na si Martin Nievera. Ang tambalang Angeline Quinto at Erik Santos naman ay nag-duet para sa ‘Love Teams Of Today’. Ipinagkaloob kay Ms. Amalia Fuentes ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at kay direk Mel Chionglo ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award. Sa pamunuan ng kasalukuyang pangulong Fernan de Guzman, ang 32nd PMPC Star Awards For Movies ay mula sa Airtime Marketing Philippines at sa direksyon ni Bert de Leon. Mapapanood ang kabuuan ng palabas sa ABS-CBN Sunday’s Best sa March 13, 2016. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|