LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Inamin ni Billy Crawford na napapag usapan na nila ni Coleen Garcia ang salitang kasal pero hindi pa raw ganun kalalim. “Siyempre kung meron man akong gustong pakasalan ngayon, si Coleen na yun no!” Tumatawang pahayag sa amin iyon ni Billy noong huli namin itong nakausap. Ayon kay Billy, sobrang saya daw niya kay Coleen at wala na siyang mahihiling pa sa kasintahan na ngayon ay bida sa pelikulang Love Me Tomorrow na kung saan ay makakasama ng aktres sina Piolo Pascual at Dawn Zulueta.
Speaking of Love Me Tomorrow ay balitang sobrang selos daw si Billy sa director na si Gino Santos na halos ka-edad niya. “Hindi ko alam kung selos pero feeling ko baka nga, kasi sobrang asikaso daw ni direk si Coleen sa set,” sabi ng aming source. Hindi namin alam kung gimik lang ito ng nasabing pelikula pero may dahilan daw talaga para magselos si Billy sa guwapong director na si Gino dahil among the stars ay bukod tanging si Coleen lang daw ang laging kinakausap ng guwapong director, na siyang dahilan kung bakit nitong huli ay lagi nang nagbababad sa set si Billy para bantayan ang katipan. Hahahahahaha! Ni Morly Alinio LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|