LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Noel Asinas ISE-CELEBRATE ng Bubble Gang ang kanilang 21st anniversary sa dalawang episodes na mapapanood ngayong November 25 at Dec.2. Tatawagin ang episodes na 21 Gun Salute. Naiibang episode itong mapapanood na pinag-isipang mabuti ng buong creative team ng Bubble Gang headed by no.1 comedian ng show, si Michael V. Tama ang title ng anniversary presentation dahil dapat ngang saluduhan ang programang ito ng GMA 7 dahil namayagpag sa ere ng telebisyon sa loob ng ganitong kahabang panahon. Sabi ni Michael V., isang milestone ng gag show na tumagal ng 21 years. Tatagal pa rin dahil patuloy na tinatangkilik ng manonood ang kanilang hindi nakakasawang gags at kanilang naiibang portion na pawang nakakaaliw. Napapanahon ang kanilang characterization. Tulad nang tungkol sa pagkakakulong ng mga drug addict o pag-spoof sa phenomenal love team ngayong Aldub nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Bawat artista ng show ay may sinasabing milestone nila. Tulad ng comedian na si Betong, nasabi niyang di niya malilimutan na sampal-sampalin siya nang malalakas ng mga sikat na kontrabida sa showbiz na kinabibilangan nina Cherie Gil, Jean Garcia, Glydel Mercado, Katrina Halili at iba sa portion niyang Antonietta. Markado na ang participation ni Betong sa show. Sinasabi ngang pinalitan niya ang vacuum na iniwan ni Ogie Alcasid sa programa. Samantala, sabi ng GMA senior program manager na si Ms. Bang Arespacochaga, tiyak na magi-guest si Ogie Alcasid sa kanilang anniversary presentation. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|