LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Favatinni San MAHUSAY talaga siyang artista. Napanood namin ang Kid Kulafu, Children Show na pawang kinilala ang galing sa pag-arte ni Buboy Villar. Napapanood din siya sa The Half Sisters at regular member siya ng Walang Tulugan ni Kuya Germs. Proud siya dahil nakasama siya sa 10th Walk of Fame ni Kuya Germs. Natanong namin sa kanya kung ano ang sikreto niya. Wika niya, "Kailangan pangalagaan mo ang kalusugan lalo nasa teyping/shooting ka, malaking tulong ang food supplement mula sa Ultra Proactive Marketing Inc. ni Atty. Freddy Villamor." Gustung gusto niya ang produktong Nutrifit Meal with Choco flavor na para kay Buboy ay magandang substitute sa anumang pagkain dahil 200 calories lang daw ang laman ng Nutrifit. Sa ngayon, patuloy siyang napapanood sa telebisyon at abangan natin ang nakalinya niyang proyekto bagama't ayaw pa niyang magbigay ng detalye. Ang nasabi na lang niya ay gusto niyang gumanap ng iba't ibang karakter. Pagtuntong niya sa kolehiyo, kukuha daw siya film directing course. Go, go lang, Buboy! Sa katulad namin na nahihirapan magpaliit ng tiyan, tamang tama ang pinuntahan naming presscon ng Ultra Protective Marketing Inc. kung saan inilunsad ang Promag 300 at Ultra Nutrifit. Ayon nga sa CEO/President ng kumpanya na si Atty. Alfredo Villamor ay kailangan natin para sa maayos na kalusugan ang mga produkto nila. May testimonial nga si Monica Castillo na sa loob ng dalawang buwan na patuloy na pag-inom ng Nutrifit ay sumeksi siya. Ganyan din ang sinabi ng dalawang TV5 stars na sina Annika Camaya at Josh Goffe. Maging ang new singer na si Reign Andi ay may magandang kalusugan dahil na rin sa produktong ito. It really helps sa ating pagtulog, pag-alis ng muscle pain, cramping and spasms. Nakakatulong rin ito sa pagkakaroon ng healthy skin at nakakabawas sa outbreak ng eczema. Mainam rin ito for better relaxation and stress management, pag regulate ng high blood pressure at marami pang iba.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|