LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Timmy Basil MASASABING choice talaga ng maganda at seksing si Carmi Martin ang maging single. Kahit may edad na siya ay napapanatili ni Carmi ang ganda ng kanyang katawan at ang makinis at maputi niyang balat. Pero yun na nga, pinili niya ang maging single at tanggap na niya na tatanda siyang dalaga pero masaya siya bilang single. "I'm happy being single and blessed to have 4 beautiful dogs," sabi ni Carmi Martin sa presscon ng bagong teleserye ng Dos, ang "The Better Half" na mag-uumpisa na ngayong Lunes after It's Showtime. Bale ito ang papalit sa Doble Kara na magtatapos na sa Biyernes. Inamin ni Carmi na nagkaroon siya ng maraming pag-ibig. Kumbaga, naka-quota na siya.
Tinanong din siya ng press kung nagkaroon din siya ng Happy Valentine’s, marami naman daw pero 'yun nga, wala ring nagtagal. Kaya raw siya nananatiling single ay dahil yung mga naging karelasyon niya in the past ay pawang "worst half" daw na kino-connect sa nabanggit na teleserye kungsaan ginagampanan ni Carmi ang isang mayor. Samantala, nagulat ang buong cast dahil ang akala nila ay mid-year pa ie-ere ang "The Better Half" pero heto't isasalang na pala sa Lunes. Ang tumatak sa akin sa trailer ng nabanggit na teleserye ay ang nasambit ng bidang si Shaina Magdayao habang nangungumpisal na, "I am having an affair with my husband," kung bakit nasabi niya iyon, yun ang dapat nating tuklasin. Nakakatawa nga dahil sa mga naunang serye ng pelikula ni Ai-ai na "Ang Tanging Ina", magkapatid ang role nina Carlo Aquino at Shaina Magdayao bilang si Third at Seven, respectively, pero dito sa The Better Half ay mag-asawa sila. Happy si Shaina dahil maganda ang pasok ng taon sa kanya. May pagbibidahan siyang teleserye at pumirma na siya ng panibagong 2-year contract sa Dos, that's why hindi pa rin talaga puwedeng i-prioritize ni Shaina ang lovelife dahil kailangang mag-focus siya sa kanyang trabaho ngayon. Bukod kina Carmi, JC de Vera, Shaina at Carlo, kasama rin dito sina Denise Laurel, Epi Quizon, Nadia Montenegro, Rommel Padilla, Zeppi Borromeo, Maila Gumila, Bart Guingona, Mari Kaimo, Joyce Ann Burton, Regine Angeles, Junjun Quintana at Poo, sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian. Ang sabi, first time daw na magkakaroon ng suspense-romance sa day time. Naiiba kaya? Sabay-sabay natin itong tutukan. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|