LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Paglilinaw ni Cesar Montano wala raw katotohanan ang kumakalat na balitang diumano’y binigyan na siya ng posisyon sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte. Isa kasi si Cesar sa solid supporters ng Pangulo. “Wala pa, wala pang position. Ako nga kahit hindi ako mabigyan ng posisyon, okay lang sa akin. Gusto ko lang talagang sumuporta dahil nakakatuwa dahil we’re so blessed na itong nangyayari ngayon, tama siya e, ang una talagang tatanggalin yung mga drug addict. Yung mga liability should turn into assets of the society,” pahayag ni Cesar. So, hindi totoong may hahawakan na siyang isang ahensiya o komisyon? “Narinig ko rin iyan e. Pero alam mo kung ano yung ibibigay sa akin ng Presidente, tatanggapin ko nang maligaya. It will be an honor and joy for me kung mayroon man. Kung wala rin, praise God, pareho lang. Pero I’m still willing to support the President. Pero wala pa, wala pang posisyon.”
Wala bang naging offer sa kanya ang Pangulo before or after nitong manalo? “Wala, wala.” Kung halimbawang magdesisyon nga ang Pangulo na bigyan siya ng posisyon, sa tingin niya sa anong ahensiya kaya siya magiging effective? “I don’t know. Alam mo naman e, sa resume. Kung hihingan nila ako ng resume, magbibigay ako, at titignan nila kung saan ako babagay doon. And then tatanggapin ko, tatanggapin ko iyon.” Malaki ang tiwala ni Cesar sa kakayahan ni Pangulong Duterte kahit pa raw may mga kumokontra rito. “That’s why I’m so thankful that we are so blessed that we have good leaders like Duterte, na nagpapalinaw ng magandang future ng Pilipinas. Maraming kumokontra pero mas marami ang naniniwala na magiging maganda yung bansa natin sa future. Kasi nababawasan yung mga masasamang tao, nawawala.” Apektado ba siya kapag may mga taong gustong magpabagsak sa Presidente? “Alam mo sa totoo lang lahat tayo apektado. Ako, mas apektado ako siyempre kasi isa ako sa mga tunay na naniniwala sa pinuno ng ating bansa. Actually, kapag kinokontra siya, kinokontra niya ang buong bansa e. If you go against the administration, buong bansa yung inaano mo. Kasi lider iyon e, parang tatay natin. Apektado tayo, whether you like it or not, apektado tayo. Pag may bumato sa bahay niyo, kahit pinalo ka ng tatay mo kanina at masama ang loob mo, binato yung bahay niyo at nabasag ang salamin ng bahay niyo, masama ang loob mo roon, apektado ka roon. Sino yun, di ba? So, it’s like in our country, nanalo na yung ating Presidente, we should follow him and trust our President one hundred percent.” Bilang isa sa loyal supporters ni Pangulong Duterte, paano niya ia-assess ang mga nagawa ng Pangulo sa ilang buwan ng pamamahala nito sa Pilipinas? “Ako, para sa akin bilang isang Pilipino, na eto tumanda ako at marami akong pinagdaanang Presidente, he has done a lot of things as a President. Ilang buwan pa lang siya. Na hindi nagawa ng ibang Presidente, at alam nating mga Pilipino iyan, na mas marami siyang na-accomplish for a short period of time. Iyan dapat tanggapin natin ang katotohanang iyan. Etong nagawa niyang ito (war on drugs), hindi biro ito. Mga drug addict ito na pwedeng yung closest friend mo, yung pinakamamahal mong anak o yung asawa mo pwedeng maging addict at mahawa nito, or mapatay nito, ma-rape nito. So, siguro namumroblema tayo. Kung hindi niya ginawa ito, malamang dadami pa ito. So, satisfied ako sa accomplishment niya. I know and I believe in him, I believe in Duterte na mas marami pang maa-accomplish iyan.” May listahan daw ang gobyerno ng mga artistang involved sa drugs. Bilang bahagi ng showbiz industry, sa tingin ba ni Cesar dapat ilabas o isapubliko ang listahang ito? “Ako, I will let them decide on that. Sila yung nandidiyan sa puwesto, sila ang mag-decide. They know what to do better than me. Kasi kaya nga natin sila in-elect para mag-decide diyan e, bakit natin sila pangungunahan. Kung ano ang sabihin nila, sumunod tayo. Mag-abide tayo,” ani Cesar. Ni Glen Sibonga LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|