LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni John Fontanilla 7 months na ang baby nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano at wala pa daw balak sundan ito ng mag asawa. Tsika nga ni Chynna nang makausap namin sa taping ng Magpakailanman, “The Super Tekla Story”, na pinagbibidahan ni Jerald Napoles, "Naku, Kuya John, wala pa kaming balak sundan ang baby namin. "Pareho kami ni Kean na mas maganda na isa lang, para mabigay namin lahat ng atensiyon sa baby namin.
"Pero, if ibi-bless kami ng baby, why not? Pero, hindi yung parang gustong gusto namin magkaroon ng another baby. "Kasi iniisip din namin yung magiging future ng baby, kasi ngayon gatas, pagpapabakuna lang yung iniiisip namin. "Pero paglaki laki na niya, nandyan na yung tuition fee at kung ano ano pa. "Kaya nga okey na sa amin ni Kean ang isa ang anak. "May nagsasabi nga sa amin na kawawa naman daw ang baby namin pag walang kapatid na inisip din naman namin." Bukod kay Jerald, makakasama din ni Chynna sa Magpakailanman’s The Super Tekla Story sina Janna Chuchu, Mimi Juareza, atbp. Mula sa mahusay na direksiyon ni Bb Joyce Bernal. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|