Bago nagsimulang mamayagpag ang career ng aktor, marami muna itong pagsubok na dinaanan. “I tried hundreds of VTRs before I got one project. Medyo nakaka-frustrate pag di nakukuha, pero eventually masasanay ka naman, parang nagiging training ground ko yung pag attend ng auditions and VTRs.”
“Ilan sa mga naging projects ko on TV ay ‘Please Be Careful With My Heart’, ‘MMK’ ‘Twin Hearts’, gumanap ako bilang batang Tonton Gutierrez, ‘Maynila’, ‘Wattpad Presents’ at ilang mga movie gaya ng ‘I Love You, Thank You’ na shinoot sa Thailand, Vietnam at Cambodia.”
Ang unang proyekto sa Indonesia na ginampanan ng dating Pinoy talent ay “I Love You, Thank You” kung saan kasama niya ang isa sa sikat na artista ng Indonesia na si Maudy Ayunda.
Hindi lamang ang pag arte ang pinasok ng aktor. Nagho-host din siya sa mga prestigious pageants at events ng mga kilalang brand sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, maganda ang takbo ng career ng actor sa Indonesia kung saan habang naghihintay siya ng mga darating na mga proyekto ay nakatuon muna ang atensyon nito sa mga TV commercials at pagho-host ng mga events.