LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Veronica Samio Isa sa magandang katangian ni Coco Martin ay ang pagiging maingat sa mga trabahong pinapasok niya. Isa ang movie niyang Ang Panday sa apat na napili para makasali sa MMFF 2017. Ito ay batay lamang sa script na isinumite ng produksyon na gagawa ng pelikula na pinasikat ni FPJ na bukod sa siya ang gaganap sa title role ay siya pa rin ang magpo-prodyus at magiging direktor. Isang malaking hamon ang pelikula kaya gusto niyang mas mapaghandaan pa ang kanyang gagawing pagdidirek nito. Nagbabalak siyang kumuha ng crash course sa filmmaking sa UP. Bagaman at may karanasan na siya sa paggawa ng pelikula sa haba ng pagiging artista niya, gusto pa rin ni Coco na makagawa ng isang de-kalidad na pelikula na magpapataas pa ng estado ng Ang Panday na ilang ulit na ring nagawa sa pelikula at telebisyon.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|