LIKE OUR FACEBOOK PAGE
KAPURI-PURI talaga ang ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano sa pagpapalaganap nito ng crime awareness at prevention sa mga manonood kaya naman hindi na kami nagulat nang iendorso ng Kongreso ang bida ng serye na si Coco Martin upang maging Celebrity Advocate for a Drug-Free Philippines. Pinuri ni Rep. Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang producers, cast, at crew ng FPJ’s Ang Probinsyano sa matapang na pagtalakay sa mga kontrobersiyal na isyu gaya ng kurapsyon, medical malpractice, narco-politics, ninja cops, sex trade, paggawa ng illegal drugs, drug couriers at pagbebenta ng party drugs. Pinuri rin ang magaling at very effective na pagganap ni Coco sa iba’t ibang karakter niya gaya na lang ni SPO2 Ricardo Dalisay, ang kambal nitong si Ador de Leon, at ang babaeng undercover agent na si Paloma.
Nakadagdag kilig din ang pagpasok sa nasabing primetime series ng Dos ang magaling na Kapamilya actor na si Paulo Avelino na gumaganap bilang si Eric, victim ng pagma-maltrato mula pa nung bata siya kaya naman naging psychopath and killer. Ang galing galing ni Paulo umarte na parang bata. Very effective siya sa kanyang portrayal na ultimo mga mata niya ay umaarte. Siguradong tatatak sa mga manonood ang mahusay niyang portrayal. Ni Lourdes Fabian LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|