Kaya naman natanong namin sina Erich at Daniel kung ano na ang plano nila pagkatapos ng Be My Lady, lalo na’t nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan? “Supposed to be po after Be My Lady, dapat gagawin na namin yung movie under Regal Films. Pero sinabi po na baka mag-start na lang kami sa January next year para tuloy-tuloy na po. Para rin we can spend time with our family after Be My Lady,” ani Erich.
Samantala, pangalawang Pasko na nina Erich at Daniel ngayong 2016. Mas sumasarap ba talaga ang Pasko kapag kasama mo ang minamahal mo? “Lalo talagang masaya at masarap ang Pasko kapag kasama mo po yung mga taong mahal n’yo, di ba? At it doesn’t matter naman kung anong okasyon ang mayroon, basta’t pag kasama mo naman ang taong iyon, lagi namang masaya,” sabi ni Erich.
Dagdag pa ni Daniel, “Basta kasama ang pamilya namin, lahat ng tao that we love, masaya lang ang lahat.”
May dapat na ba silang aminin? “Sa amin kasi mas priority namin yung work, so as much as possible we just enjoy everything. But of course she’s very special. She’s very nice, she’s very kind. So, I’m blessed na I have a co-host who is very sweet and very professional when it comes to work,” sabi ni Arron.
Samantala, ikinatutuwa ni Arron ang maraming papuring natatanggap niya sa mahusay niyang pagganap bilang isa sa mga anak ni Sylvia Sanchez sa ABS-CBN afternoon teleseryeng The Greatest Love.
Ano ang masasabi niya na tinatawag siyang Barumbado of the Year dahil sa karakter niya sa teleserye? “Nae-excite ako talaga sa character ko. Happy ako na naging part ako ng teleserye na ito. Happy din ako dahil nanay namin si Nanay Sylvia. Alam naman natin na mahusay siyang aktres. She’s also very generous lalo na when it comes sa food, lagi kaming busog sa set. Laging maraming pagkain kaya Nanay Sylvia maraming salamat po at inaalagaan n’yo kami.”
Kilala si Arron na mapagmahal sa pamilya kaya saan siya humuhugot ng emosyon para sa pagganap niya kay Paeng na puno ng galit sa nanay niya? “Actually, that’s a challenge for me e, kasi hindi ako ganyan sa pamilya ko. So, nag-isip ako, maraming ways na pwedeng paghugutan ng galit, ng hapdi, ng lungkot.”
Mula sa production unit ni Ginny Monteagudo-Ocampo, ang The Greatest Love ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Doble Kara sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.