LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Daniel Padilla puwede nang ihanay kina John Lloyd, Coco, Piolo, at Jericho sa husay sa pag arte!10/4/2016 Lutang na lutang ang husay ng Teen King na si Daniel Padilla sa latest movie nila ni Teen Queen Kathryn Bernardo under Star Cinema, ang "Barcelona: A Love Untold" na mula sa direksiyon ni Olivia Lamasan. Kahit nga kami ay napahanga ni Daniel dahil sa lalim ng acting na ipinakita nito nang mapanood namin ang kanilang pelikula ni Kathryn mula sa imbitasyon ng DJPTFC through Ate Elsa Soriano. Hindi nga malayong mapahanay si Daniel sa iba pang mahuhusay na actor sa bansa like John Lloyd Cruz, Coco Martin, Jericho Rosales, at Piolo Pascual o maging sa mga beteranong actor na sina Christopher de Leon, Richard Gomez, at Aga Muhlach.
Marami ngang eksena ni Daniel sa Barcelona na mapapahanga ka sa husay nitong pagganap na nagpapakita ng maturity niya bilang actor at malayong malayo sa mga nauna niyang pelikulang ginawa. Kung ilang screening nga ang ginawa ng mga solid fans ng Kathniel especially ng DJPTFC, ang pinaka supportive fans club ng dalawa, at napakaganda ng PR sa mga press people, kaya naman love na love ng mga working press ang grupo nila Ate Elsa. Ni John Fontanilla LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|