LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Favatinni San TAHIMIK lang ang Star Magic sa naglalabasang isyu na babayaran si Daniel Padilla ng P50M ng kampo ni Mar Roxas para sa kam¬panya sa susunod na taon. Hindi kaya hype lang 'yun ng kampo ni DJ (palayaw ng ak¬tor)? Kung may katotohanan ang nasabing negosasyon, malinaw naman ang sinabi ng kanyang ina na si Karla Estrada na malaki ang utang na loob nila kay Kris Aquino. Kaya kung sino man ang susuportahan ni Kris na presidentiable ay siya rin ang ie-endorso nila ni Daniel. Samantala, mag¬ing ang pagbando sa talent fee ng aktor sa teleseryeng 'Pangako Sa 'Yo,' ay isang milyong piso kada teyping. Marami tuloy ang napaarko ang kilay, alam namin kung sinong artista ang 'high¬est paid at may guarantee contract'. Teka, hindi kaya bantayan sila ng Bureau of Internal Revenue sa pag¬yayabang nila sa kinikitang milyones ni DJ? Naalala namin bigla ang biruan sa showbiz, kapag walang gina¬gawa si Karla, libangan na lang nito ang magbilang ng sandamakmak na tag-isang libong pera..ow di ba sosyal!
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|