LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Nagpaliwanag ang Kapamilya actress na si Denise Laurel kung bakit made-delay ang plano nilang pagpapakasal ng fiance niyang basketball player na si Solomon “Sol” Mercado. Sa mga naunang interviews kasi kay Denise ay nasabi niyang ngayong 2016 sana nila balak magpakasal. “Ang hirap kasi if you have to invite one, you have to invite all, siyempre. So, kailangan muna ipon-ipon. At saka iniisip ko din hindi lang kasi yung kasal, kundi yung buhay pagkatapos ng kasal. Kailangang pag-ipunan, ganyan, siya rin nag-iipon. At saka yung pamilya niya nasa States, so kailangan lahat sila lilipad papunta rito, or lahat kami yung lilipad doon,” paliwanag ni Denise. Ayaw ba nilang subukan ang ginagawa ng iba na livestream wedding para sa mga may kapamilya at kamag-anak na nasa abroad? “Ay, ayaw, ayoko. No offense to those who do that, but for me yung presence, yung sincerity, and everybody being present means a lot to me.”
Nahihirapan din daw silang mag-set ng date ng kasal dahil hindi magtugma ang schedule niya bilang artista sa schedule ni Sol bilang PBA player. “Ang hirap kasi ng schedule ko, at saka schedule ng PBA medyo magulo. Hindi pala nakukuha yung schedule ng buong taon, per conference lang pala.” Kung hindi ngayong 2016 kailan na nila balak magpakasal? “Siguro next year, maybe. Ang hirap e, kasi yung PBA tapos may Gilas pa, so nadi-disrupt yung schedule. Siyempre we want all our friends to be there. E, our friends are part of Gilas also, so mahirap.” Maging ang anak niya raw na si Alejandro ay excited na sa wedding. “Excited siya. Tinatanong niya nga ako, ‘When are we getting married?’ May ‘we’ talaga.” Anong magiging participation ni Alejandro sa wedding? “Siyempre nandoon siya sa gitna dahil nga ‘we,’ so kaming tatlo yung ikakasal.” Magiging ring bearer ba ang anak niya? “For sure, at saka katabi namin siya. It wouldn’t be a wedding without him.” Ni Glen Sibonga LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|