LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Veronica Samio Akala ng lahat ay simula na ng pagtatrabaho ni Dennis Trillo sa ABS CBN ang paggi-guest sa Tonight With Boy Abunda. Hindi pala, promosyon lamang yun ng pelikulang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? katambal ang Kapamilyang si Anne Curtis. Pinayagan lamang marahil siya ng GMA na ipinagtataka ng lahat kung bakit dahil Kapuso siya, as in eksklusibong Kapuso. Si Anne ba nahilingang mag-promote sa Kapuso? Pwede naman dahil under siya sa management ng Viva. Pero, nangyari ba ito? Obvious na hindi naman kumportable si Dennnis sa bakuran ng ABS CBN. Kitang kita na alumpihit siya at naramdaman marahil ito ni Boy Abunda at bilang isang magalang at mahusay na host ay nag-concentrate ito sa pelikula at kung natalakay man si Jennylyn Mercado ay kaunti lamang.
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|