LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Glen Sibonga Mahal na mahal ng New Placenta celebrity endorser na si Ejay Falcon ang kanyang girlfriend na si Jana Roxas. Pero hindi naman daw siya nagmamadali para pakasalan ang kasintahan. “Hindi naman kailangang magmadali. Kami, ine-enjoy lang namin ang mga panahon na magkasama kami. Siyempre pareho naming alam kung ano ang mga priorities namin sa ngayon. Katulad ko, gusto ko munang pag-aralin at pagtapusin ang mga kapatid ko, at kung magkakaroon ng pagkakataon gusto ko ring magtapos ng college. Kaya nga nagpapaka-busy muna ako sa trabaho. Naiintindihan naman ni Jana yun, very understanding siya,” sabi ni Ejay. Feeling blessed nga si Ejay dahil bukod sa masayang lovelife ay maganda rin ang takbo ng career niya ngayon. Bukod sa ginagawa niyang ABS-CBN teleseryeng The Promise of Forever kasama sina Ritz Azul at Paulo Avelino, sunud-sunod din ang guestings niya sa ibang Kapamilya shows. “Buti na nga lang din kahit hindi pa napapalabas yung The Promise of Forever, ilang beses din akong nakapag-MMK (Maalaala Mo Kaya). Tapos eto pa parating yung Ipaglaban Mo.”
Hindi pa raw alam ni Ejay kung kailan maipalalabas ang The Promise of Forever. Kaya tinanong na lang namin siya kung kumusta katrabaho si Ritz? “Masaya kasama si Ritz. Kailan lang nag-Minute To Win It kami e. Lumaban kami sa one million, so babalik pa kami sa Minute To Win It. Masaya naman kasama si Ritz. Kaibigan ko talaga siya.” How about si Paulo? “Si Paulo, bago pa kami magkasama sa The Promise of Forever, nakakasama ko na siya sa gym dati. So, okay naman kami.” LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|