Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


EJAY FALCON PATULOY SA PAGBAHAGI NG BLESSINGS SA MGA KABABAYAN NIYA SA MINDORO

12/14/2015

Comments

 
Ni Shane Tanayer
​Matatandaan nating nai-tampok kamakailan sa Wansapanataym special na “I Heart Kuryente Kid” ang Psalmstre New Placenta For Men endorser na si Ejay Falcon. Kasama nito ang kanyang leading lady sa nasabing programa na si Alex Gonzaga.
Picture
Aniya ni Ejay ay sobrang naka-relate siya sa karakter na kanyang ginampanan, na kung saan ay nagkaroon siya ng superpowers matapos matamaan ng kidlat. Parang inihalintulad niya ito sa kanyang buhay na bago pa man sumikat at madiskubre ng Dos sa pamamagitan ng Pinoy Big Brother ay siya na ang nagsilbing breadwinner ng kanyang pamilya. “Panganay din po ako at meron din akong mga kapatid pero ano siya, parang parehas kami, parang ang bilis kong nakahugot sa mga karakter na ito dahil sa kuwento ni Tonio. Breadwinner din ako, ako ang nagpapaaral sa mga kapatid ko,” kuwento ni Ejay.
Para sa kanya, ang pamilya niya ang nagsisilbing inspirasyon niya para magtrabaho nang mabuti para mai-ahon sila sa hirap, na siyang kinagisnan ng kanyang pamilya. Nais diumano niyang makatikim ng ginhawa sa buhay ang mga taong sobrang importante sa kanya.
“Nakaka-proud kasi meron akong kapatid na magtatapos. Ang sarap ng feeling na makakatapos na ang mga kapatid ko. Parang ‘yun na talaga ‘yung premyo sa lahat ng paghihirap ko,” pagmamalaki ng actor, na sobrang proud dahil malapit nang makapagtapos ng kurso ang dalawang kapatid na kanyang pinag-aaral.
At isa pang nakakatuwa kay Ejay ay ang ‘di niya paglimot sa mga kababayan niya sa Mindoro, na kung saan ay patuloy niyang binabahagian ng mga blessings na kanyang natatanggap. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng paliga sa basketball, na taun-taon niya nang ginagawa tuwing sumasapit ang buwan ng Disyembre at kung saan ay isa sa mga koponan sa liga, ay ibinandera ang Psalmstre Enterprises Inc. at ito ang tatak sa kanilang jersey. “Naranasan ko noong bata ako dati ‘yun nga… parang humingi ako ng gift every Christmas, hindi ko nararamdaman dati,” saad ni Ejay na sobrang saya ang nararamdaman tuwing nakikita niya ang kasiyahan ng bawat nakakatanggap ng kahit na mumunting regalo mula sa kanya tuwing sumasapit ang Kapaskuhan. 
Limang taon nang ginagawa ni Ejay ito para sa mga kababayan niya at sa katunayan ay kapag may shows siya sa abroad ay kanyang tinatanggihan kapag pumapatak ang imbitasyon sa araw ng kanyang paliga na naging panata na niya sa mga kabarangay.

Picture
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved