Showbiz  Sosyal
FOLLOW US

  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


ELLA CRUZ AT BRET JACKSON, NAGKAKAMABUTIHAN NA!

11/25/2015

Comments

 
By Glen Sibonga
Natural lang na usisain sina Ella Cruz at Bret Jackson tungkol sa totoong status ng relasyon nila matapos mabunyag ang pagkakamabutihan nilang dalawa.
Ang tanong nga namin kay Ella nang makausap namin siya, “Kayo na ba ni Bret?”
“Hindi pa. Huwag muna nating madaliin ang mga bagay-bagay, ang dami kong work, ang dami rin niyang work. So, let’s take it slow. Ano muna, gusto ko dahan-dahan muna, kasi nga hindi naman ako sanay sa relationship. Kasi if ever nga siya ang magiging first (boyfriend) ko, di ba? Naiintindihan din naman niya na dahan-dahan muna. Siyempre focus muna kami sa work,” paliwanag ni Ella.
Masasabi niya ba na exclusively dating sila? “Siguro, pero ngayon kasi naka-focus kami talaga sa work. Kasi ako halos nag-e-everyday ang work, siya rin ganun. Minsan lang kami nagkakasama.”
Sabi ni Bret, seryoso naman siya kay Ella. Ramdam ba ito ng aktres? “I can say na seryoso naman talaga siya. At ako wala rin naman akong ibang kausap. Kayo na ang bahalang mag-label. Basta ako, happy ako sa life ko. Ang mahalaga is nandiyan kami para sa isa’t isa.”
Ano ba ang mga nagustuhan niya kay Bret? “Yung ipinapakita talaga niya kung ano siya. Iyong sobrang maalaga lang, ganyan.”
May pag-asa ba si Bret na maging first boyfriend niya? “Ayoko munang sabihin. Secret muna. Huwag muna. Titignan ko muna.”
Picture
Samantala, hindi raw isyu kay Ella na nakakatrabaho pa rin ni Bret ang ex-girlfriend nitong si Andi Eigenmann. Magkasama ang dalawa sa pelikulang Angela Markado, kung saan ginampanan ni Bret ang role ng boyfriend ni Andi.
“Hindi (isyu), kasi siyempre sa trabaho naman natin may chance talaga na makakatrabaho natin yung dati nating ka-loveteam, yung ex mo, ganyan. Professional lang, ganun, pare-pareho naman kaming mga artista,” ani Ella.
Hindi naman minasama ni Ella ang naging pahayag ni Andi sa isang interview na hindi niya kilala si Ella. “Ay, hindi ko yun kilala! Hindi ko po kilala si Ella Cruz,” ang sabi kasi ni Andi nang mahingan ng reaksyon tungkol sa napapabalitang karelasyon ngayon ng ex-boyfriend nitong si Bret na si Ella nga.
Reaksyon naman ni Ella sa sinabi ni Andi, “Wala. Okay lang naman sa akin. Kasi siyempre hindi naman lahat ng tao kilala rin ako, especially sa mga tao sa showbiz. Usually kami pang nagtatrabaho sa TV, kami pa ang hindi nakakapanood ng TV, di ba? Minsan sa set na lang kayo nagkakakilala. Okay lang naman sa akin.”
Hindi ba siya nabastos dito dahil matagal na rin naman siya sa showbiz? “Hindi, hindi. Wala namang masama sa sinabi niya e. Wala naman siyang negative na sinabi. Totoo naman na hindi niya ako kilala. Nagpakatotoo lang siya. Kaysa naman magpaka-plastic siya na kilala niya ako, di ba? Hindi pa kasi kami nagmi-meet o naipapakilala sa isa’t isa. Never pa rin kaming nagkatrabaho. Siguro nagkakaroon lang ng times na nakikita ko siya sa ABS, pero hindi pa ako nakakalapit sa kanya.”
Wish niya ba na maipakilala siya ni Bret kay Andi, bilang magkaibigan naman ang dalawa? “Darating din po siguro yung time na iyon. Soon po.”
Kung mabibigyan siya ng opportunity na makatrabaho si Andi, tatanggapin niya ba ang proyektong ito? “Opo naman. Wala naman po akong tinatanggihang katrabaho.”
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved