LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Daddy na si John Lloyd Cruz! Ito ay matapos magsilang ng isang baby boy ang kanyang partner na si Ellen Adarna sa Chong Hua Hospital sa Cebu City noong June 27. Kinumpirma ng lawyer ni Ellen na si Atty. Rebo Saguisag ang kapanganakan ng baby nila John Lloyd at Ellen sa isang video clip ng interview ni MJ Marfori ng TV 5 at na upload naman ito sa social media. Napilitang ibunyag ni Saguisag ang tunay na dahilan kung bakit hindi nakarating si Ellen sa hearing matapos ang pagdinig sa kasong cyber crime at child abuse na isinampa laban sa aktres. Itinanggi rin ni Saguisag na may delaying tactics sa panig nila Ellen. "Actually, after the hearing... na sinabi namin, nanganak na siya, two days after..." "So talaga naman pong wala kaming dahilan. Sinasabi nila delay...well maybe delayed for her to have a safe delivery and in due time...mahirap i-byahe eh; "Matter of days mahirap i-byahe yung sanggol. Pero pagtatagal sana, 'yung pag file ng rejoinder, gusto sana niyang humarap. 'Yun po 'yung sagot sa reply kung sakali," ayon kay Saguisag. Bago nito, napamura na si John Llloyd sa balitang bininyagan na raw ang kanilang panganay na anak ni Ellen. "F*****FAKE NEWS," ayon sa post ni John Lloyd patungkol sa di umano'y binyag ng kanyang panganay na anak. Ayon sa naunang balita, nanganak na raw si Ellen noong June 27 at bininyagan na raw ang anak nila noong June 29. Unang napabalita na nagdadalang tao na si Ellen noong November 2017. Simula ng mag lie-low si John Lloyd sa showbiz noong isang taon, never pa nitong pinag-usapan sa publiko ang kanyang relasyon kay Ellen. By TYSON NESSMAN
LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|