LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ilang linggo na ang nakaraan nang maglabasan ang sentimyento ng mga talents na sila Alvin Campomanes at Rosellyn Domingo sa kanilang karanasan sa kamay ng direktorang si Cathy Garcia-Molina sa programang Forevermore ng Dos. Ayon sa dalawa, labis silang napahiya sa pagmumura at maltreatment diumano ng direktora sa kanila na nagdulot sa kanila ng kahihiyan, dahilan upang ipaabot nila sa management ng Dos ang kanilang hinaing sa pamamagitan ng isang liham.
Sa nasabing liham, idinetalye ang mga pagkakataong napahiya sila at humingi rin sila ng aksyon mula sa pamunuan ng Dos hinggil sa hindi tamang pakikitungo ng direktora sa mga maliliit na talentong tulad nila. Bagama't nag-apologize na si Direk Cathy sa pag-guest nito sa show ni Boy Abunda, may mga talents naman na dinepensahan si Direk tulad nina Enrique Gil at Liza Soberano. Ayon sa kanila, mahirap magsalita kung wala ka mismo sa taping at hindi mo mismo nakikita ang mga pangyayari on set. Na kapag nabasa mo lang ay papanig agad ang pang intindi mo sa isang side ng kwento lamang. Para sa kanilang dalawa, si Direk Cathy ay may passion sa kanyang trabaho at kung may kakaibang paraan ito sa pakikipag usap sa mga tao, yun ay para lamang mapabuti ang kanilang trabaho at wala itong masamang kahulugan o intensyon. Maging sila daw na lead cast ay pinipiga ni Direk hanggang sa makuha nito ang tamang performance sa kanila. Sa huli ay si Direk pa nga raw mismo ang lalapit sa kanila, aakapin at pupurihin sila sa kanilang pagganap sa isang eksena. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|