LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Matapos kumpirmahin ni Erich Gonzales noong Pebrero 9 na hiwalay na sila ni Daniel Matsunaga sa contract renewal ng dalaga sa Dos, bumaha ang intriga na may kinalaman sa pera ang dahilan. Si Erich na rin kasi mismo ang nagsabing walang third party involved na namagitan sa kanila pero hindi nagbanggit ng tunay na dahilan. Pebrero 13 naman nang makiusap si Vanessa, kapatid ni Daniel, kay Erich na linawin na walang kinalaman ang pera sa hiwalayan nila at never ginamit ni Daniel si Erich para sa financial gains, na sinagot naman ni Erich na magsasalita na siya at sasabihin ang lahat. Pero, dalawang araw lang ang nakaraan at nagkaroon ng meeting sa pagitan nina Erich at Daniel sa Star Magic. Pinag usap sila at pagkatapos ay nakita na lang silang magkasama sa paliparan papuntang San Franciso, California para sa isang show. May mga larawan pang naka-post na tila enjoy silang magkasama habang naghihintay ng flight nila.
Marami ang nagulat sa complete turnaround na ito. Parang walang nangyaring hiwalayan at walang naganap na batuhan ng mga salita. Marami tuloy ang nagtatanong, reconciliation nga ba talaga ito o pakana lamang para tuloy ang tambalan ng dalawa sa telebisyon at pelikula? LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|