LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Mildred Bacud Happy si Erik Santos nang mabalitaang engaged na ang ex-girlfriend na si Rufa Mae Quinto. Last week ay nag-post nga ang sexy actress na engaged na siya sa Fil-Am boyfriend na si Trevor Magallanes. Sey ng singer, "I'm happy for her. It's about time na rin siguro na isipin ni Peachy ang sarili niya. Na-devote na rin naman niya yung time niya sa family niya and she's not getting younger anymore. Really happy for her." 2007 nang maging ‘mag-on’ sina Erik at Rufa Mae pero matapos ang higit isang taon ay nagkahiwalay rin. Pero ang maganda do'n ay naging mag-bestfriends pa sila. Lahat ng importanteng okasyon sa mga buhay nila ay naroon ang isa't-isa. Umabot pa nga sa puntong pinagselosan ang sexy actress ng present girlfriend ni Erik na si Angeline Quinto.
Kung i-request naman daw ni Rufa Mae na si Erik ang kumanta sa kaniyang kasal ay hindi raw magdadalawang isip ito. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|