LIKE OUR FACEBOOK PAGE
By Noel Asinas KAHIT napakabata pa ng real couple ng TV 5 na sina Eula Caballero,20, at Christian Samson,22, aba, pinag-uusapan na nila ang kasalan. Nang na-meet namin ang dalawa sa set ng Wattpad episode na Wrong Number, ay very happy ang dalawa. Parang di sila nagkikita nang madalas kapag nagyayakapan. Kaya nang nainterview namin si Christian, na may pivotal role sa mini series, may biglang lumiwanag sa aming isipan, ito ang pagiging seryoso ng relasyon ng dalawa. Nasabi ni Christian na ibig na niyang pakasalan si Eula pagkatapos niyang mag-graduate next year sa College of St. Benilde sa kursong Digital Filmmaking. Pero, di pa siya nagpu-propose kay Eula. Kaya ang pagpapakasal na balak niya ay di alam pa ni babae. Although sa apat na taong relasyon nilang dalawa, sumasagi na rin sa usapan nila ang kasalan.
Ang Wrong Number ay istorya ng pag-iibigan ng isang fan at ng isang actor. Fan si Eula ni Mark Neumann na isang heartthrob na sikat na sikat sa istorya. Samantalang si Christian ay ka-affair ni Eula na nahuli niyang may ibang babae kaya hiniwalayan niya ito. Natuon ang pansin ni Eula sa pagiging fan ni Mark. Aksidente silang nagkausap sa phone at dito nagsimula ang kanilang pag-iibigan sa istorya. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|