LIKE OUR FACEBOOK PAGE
![]() Ni Timmy Basil Mula 2001 ay ini-invite na ako ng ating Boss dito sa Showbiz Sosyal at Psalmstre Enterprises na si Sir Jim Acosta at noong January 30, ginanap na naman ang kanyang birthday na ginawa sa St . Nicholas Cathering sa Mandaluyong City. Bukod sa kanyang pamilya ay dumagsa din ang mga kaibigan ni Sir Jim sa corporate world, media, business partners, models and celebrity Siyempre, hindi puwedeng mawala ang celebrity endorser ng New Placenta for Men na si Ejay Falcon na hanggang ngayon ay malaki ang utang kay Sir Jim dahil after lumabas ng Pinoy Big Brother House ni Ejay ay si Sir Jim ang unang nagtiwala sa kanya na maging male model ng New Placenta. Nawala si Ejay ng ilang taon and then ngayon ay muling nagbalik. Napakagwapo pa rin ni Ejay, hunk na hunk pa rin . Of course, hindi naman pahuhuli si Stephany Stefanowitz na endorser ng New Placenta for more than 6 years now at ang mukha ni Stephany ang makikita sa sabon ng New Placenta. Join din siya sa celebration at may dala pang wine. Hindi man iyon ang pinaka-bonggang birthday ni Jim (na di tulad ng dati na ginaganap niya sa isang venue na may pool at may modelling pa) pero sa tingin ko , yun ang most unforgettable birthday niya dahil unang-una, golden year niya iyon plus napakasaya ang party hosted by Dodong Jerome na nambibigla. Biro nyo, nananahimik ako sa isang sulok , bigla ba naman akong tawagin para maghandog ng isang awitin, mabuti na lang at may naka-ready nang mga minus one sa Youtube, mamili ka na lang . Siyempre, ang kinanta ko ay ang sikat na sikat ngayon, ang "Buwan" ni Juan Karlos na sa tingin ko, nabigyan ko naman ng justice. After the party, na-interview namin nina John Fontanilla at Noel Asinas si Sir Jim at masaya niyang ibinalita sa amin na yung kanyang mga scholars dati , ngayon ay isang ganap nang engineer na sa kasalukuyan ay tinatayo nila ang business regarding Waste Water Management na vital sa panahon ngayon. Kinumusta rin namin ang takbo ng kanyang negosyong New Placenta at as usual okey pa rin ito dahil nasa malalaking stores and malls na ito at nasa Mercury Drug Stores na rin na paulit-ulit na lang ang orders. Matagal na ring ini-export ang New Placenta products at ang sabi nga ni Sir Jim "Saan mang bansa, kapag may Pinoy, may New Placenta". Happy 50th Birthday Sir Jim. Photo Credit: Joy Arguel, Alex Moico LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|