Hindi nga daw ito naging maramot sa pagbibigay sa kanila ng pangaral at tips na labis labis naman nilang na-a-appreciate at nagagamit sa trabaho.
Ilan nga daw sa natutunan ni Hiro sa nag iisang Superstar ay ang isapuso ang trabaho, pag aralang mabuti ang role na ginagampanan, makisama nang maayos sa mga kapwa artista na katrabaho at sa mga tao sa produksiyon, laging maging handa at pag aralan ang script bago pumunta ng taping at marami pang iba.