LIKE OUR FACEBOOK PAGE
SA presscon ng Oh! My Mama, nasabi ni Inah de Belen na siya’y nagpaalam muna sa amang si John Estrada na di muna niya gagamitin ang apelyo nito. Katwiran ni Inah, ang surname na Estrada ay napakapalasak ngayon sa local showbiz. Ito’y dahil sa pamilya ni dating Pangulong Joseph Estrada. Ani Inah, “Madali namang naunawaan ng aking ama ang pagpapalit ko ng apelyido. Tutal naman kami lang ng nanay ko (Janice) at tita kong si Gelli ang may apelyidong de Belen sa showbiz.”
Sa pagbabalik ni Inah sa Kapuso network, binigyan agad siya ng lead role sa soap na ito na idinidirek ni Neil del Rosario. Si Inah ay pumirma ng six-year contract sa GMA 7 at ang kanyang manager ngayon ay si Popoy Caritativo. Walang masabi si Inah sa casting ng soap niya, may dalawang leading men siya na sina Jeric Gonzales at Jake Vargas. “Kahit ngayon ko lang nakatrabaho sina Jake at Jeric, madali ko silang nakapalagayan ng loob dahil halos pare-pareho ang age naming tatlo,” pagwawakas ni Inah. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|