LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni Glen Sibonga Tawa lang ang naging unang reaksyon nina Miles Ocampo at Iñigo Pascual nang deretsang matanong kung may relasyon na ba sila sa totoong buhay. Pero kaagad ding nagsalita si Miles pagkatapos tumawa, “Ano… magkaibigan po kami ni Iñigo.” Para sa kanila ba ay girlfriend at boyfriend material ang isa’t isa? Sagot ni Iñigo, “I do see Miles as girlfriend material. Si Miles kasi maalagain, sobrang bait, and I guess she’s there for me. Nakakatuwa.”
Nakikita rin daw ni Miles na boyfriend material si Iñigo. “Opo naman, kasi maalaga rin siya and sweet. So, siguro boyfriend material nga.” Sa ngayon ayaw daw nilang madaliin ang mga bagay-bagay. Pero kung may aaminin daw sila, ito ay ang mas naging close sila sa isa’t isa nang pagtambalin sila ng Dreamscape Entertainment Television sa ABS-CBN afternoon teleseryeng And I Love You So. First time man nilang magkatrabaho sa nasabing teleserye, dati nang magkakilala sina Miles at Iñigo noong mga bata pa sila dahil nakatrabaho ng young actress ang ama ng young actor na si Piolo Pascual sa seryeng Mangarap Ka noong 2004. Ayon nga kay Iñigo, nag-level up ang friendship nila ni Miles. “Mas naging close kami ni Miles. The last time we were able to hang out was when we were kids. Tapos ngayon lang kami parang yung mga serious topics napag-uusapan namin,” ani Iñigo. Sumang-ayon naman si Miles sa sinabi ni Iñigo. Pero nagpaliwanag ang young actress tungkol sa diumano’y madalas daw siyang yakapin ni Iñigo. “Sa hugging… si Iñigo kasi very touchy, super sweet kasi niya. Touchy in a way na sweet na ganyan. Hindi po ano (yung may malisya). So, yun po siguro sweet si Iñigo at mas nag-ano nga (level up) yung friendship namin. Kasi noong mga bata pa po kami sa Quiapo (sa set ng Mangarap Ka) lang po kami nag-uusap at naglalaro. Ngayon medyo seryoso na nga po yung pinag-uusapan namin,” sabi ni Miles. Magtatapos man sa March 11 ang And I Love You So, magkikita at magha-hang out pa rin naman daw sila at magiging open pa rin ang communication nila. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|