Showbiz  Sosyal
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
  • Home
    • About
    • Message from the Publisher
  • Headlines
    • News Bits & Updates
    • Other News >
      • Event News
      • Blind Item
      • Usapang Health & Beauty
      • Tanglaw at Liwanag
      • Showbiz Quotes
      • Success Story
      • Text Tau
      • Jokes
      • Showbiz Sports
  • Back Issue
  • Contact Us
    • Contribute articles
    • Place your Ad
    • Comments & Suggestions
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


Iya Villania at Drew Arellano, ready na sa kanilang second baby!

1/25/2017

Comments

 
Ni Noel Asinas
​​NA-OVERCOME na ni Iya Villania ang “takot” sa panganganak. Kaya ready na siya muling magbuntis kapag pinagpala sila muli. Noong panahong siya’y nagli-labor sa firstborn nila ng asawang si Drew Arellano, sinabi niyang ayaw na niya muling manganak. Hirap talaga! Pero, sa pagiging ina niya kay Baby Primo, naghihilom na ang pagkatakot na muling siyang mabuntis.  
Feeling ni Iya na blessed na silang mag-asawa na nabiyayaan ng isang baby boy. Gusto pa nilang masundan si Baby Primo ng babae naman para maging kumpleto na ang kanilang pamilya. Perfect ang kanilang relationship dahil never silang nagkaroon ng away. Petty quarrel lang, tapos magtatawanan lang silang dalawa pagkatapos. Maaaring bunga ito ng long relationship bago nagpakasal. Ayon sa mag-asawa ay 14 years na silang magkarelasyon. Siyempre, nagsimula ito nang sila’y magsyota pa lang at hanggang magpakasal almost two years ago.
Picture
Magkasama na ngayon sa isang programa  ang mag-asawang Drew at Iya, ang People vs. The Stars na nagsimulang ipalabas noong January 15, 5-6 pm, GMA 7. Mga celebrity stars ang contestants ng comedy-game show. Puedeng mag-uwi ang mananalo sa game ng P200,000 cash. May walong mind-boggling questions na may respective cash value. Kung ang isang artista ay di masagot ang mga katanungan, ang question cash value ay mapupunta sa televiewers  sa pagsagot naman ng “People Question  of the Week” thru text.
Ani Iya, “Feeling ko hindi ako nagtrabaho habang nagti-taping ang People vs. The Stars. Kasi, kasama ko ang asawa ko. Hindi mabigat dahil panay patawa si Drew at ako rin ay nahahawa na rin sa pagiging kuwela. Puede ko pang isama si Baby Primo habang nagti-taping ang show.”
LIKE OUR FACEBOOK PAGE


loading...

Ang paborito niyong showbiz tabloid-magazine here and abroad, may digital platform na!!! Alamin, makisali, at stay...

Posted by Showbiz sosyal on Wednesday, October 28, 2015
loading...
Comments
    Picture
    New Placenta Soaps

    RSS Feed

    Archives

    June 2020
    May 2020
    April 2020
    July 2019
    April 2019
    January 2019
    October 2018
    August 2018
    July 2018
    December 2017
    November 2017
    October 2017
    September 2017
    July 2017
    June 2017
    May 2017
    April 2017
    March 2017
    February 2017
    January 2017
    December 2016
    November 2016
    October 2016
    September 2016
    June 2016
    May 2016
    April 2016
    March 2016
    February 2016
    January 2016
    December 2015
    November 2015
    October 2015

    Categories

    All
    Daniel Padilla
    Entertainment
    Iza Calzado
    Kathniel
    Local News
    Phil Showbiz
    Showbiz News
    Voice Lesson
    Wedding

ABOUT US   |   USER AGREEMENT   |   PRIVACY POLICY   |   DISCLAIMER   |   LINK POLICY  
​|   ADVERTISE   |   CONTACT US   |  
SITEMAP
Showbiz Sosyal ​ | Copyright © 2019 | ​All Rights Reserved