LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni John Fontanilla Sa ilang taon ng pagsali ng mga pelikula ni Jacky Woo sa mga international film festivals ay ngayon lang niya nasungkit ang Best Actor trophy. Ito ay sa katatapos lang na International Filmmaker Festival of World Cinema na naganap sa London, England. Sa mga nagdaang filmfest ay mga technical awards lang ang nakukuha ng mga film entries ni Jacky. Kaya overwhelmed siya sa katatapos na film festival nang manalo para sa pelikulang Tomodachi. Ito ay susundan pa sa Nice, Madrid, Berlin, Milan, at sa Amsterdam. Ang pelikulang Tomodachi (na ang kahulugan ay kaibigan) ay hinggil sa pagmamahalan nina Toshiro (Jacky) at Rosalinda (Bela Padilla). Isang pag-iibigan sa pagitan ng isang sundalong Hapon at Filipina na naganap sa ilalim ng digmaan.
Ayon kay Jacky, nagpapasalamat siya na nakatrabahong muli si Direk Joel Lamangan sa naturang pelikula dahil itinuturing ni Jacky na si Direk Joel ang pinakamagaling na direktor sa Pilipinas. “Nagpapasalamat ako na nakatrabaho ko ulit si Direk Joel. Kasi, siya ang pinakamagaling na direktor sa Pilipinas. Kaya iyong mga emotion ko ay nailalabas ko dito nang maayos kapag kasama ko si Direk Joel. Nagpapasalamat din ako sa mga kasama kong actors at actresses dito,” wika ni Jacky sa tulong ng kanyang interpreter. Natutuwa rin si Jacky dahil marami siyang nakikilalang mga filmmakers at producers na interesado sa kanya. May nakipag-meeting sa kanya sa London para sa isang project na kukunan sa Europe at bukod diyan ay may pinirmahan na naman siyang bagong kontrata sa isang ahente na magma-market ng mga pelikula niya sa Europe. Dito pala siya kumikita at maraming Europeans pala ang interesado sa mga Japanese movies. Sa pelikulang gagawin niya sa Europe ay plano ni Jacky na kumuha ng bagong artistang Pinay na makakasama niya. Hindi pa rin nawawala sa puso ni Jacky ang makatulong sa mga Pinoy na may angking kakayahan sa pag-arte. Pinoy pa rin ang priority niyang matulungan kahit hindi naman niya kailangang gawin. Sa kasalukuyan, si Jacky ay napapanood sa Bubble Gang at sa iba pang GMA shows. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|