LIKE OUR FACEBOOK PAGE
Ni John Fontanilla Dumaan din daw ang actor na si James Blanco sa ups and downs ng kanyang showbiz career pero hindi daw nito maiwan ang industriyang matagal- tagal na rin niyang ginagalawan. Kuwento nga ng isa sa cast ng Mang Kepweng Returns, "Mahirap talagang iwanan 'yan, e, hanggang sa pagtanda mo. “Alam mo, sabi ko nga, ang idolohiya ko nga sa industriya na tinatapakan ko, kapag ako'y binigyan ng isang eksena na bibigyan na lang ako ng pampatak ng luha, dahil hindi na ako makaiyak, siguro yun na ang time na dapat mag-stop na akong mag-artista.
“Ako naman, ang paniniwala ko kasi lagi na kahit noong nag-start ako, may time para sa lahat ng tao, eh. Hindi naman puwedeng ikaw na lang lagi. “Pero hangga't nandun yung pagkakataon, yung oportunidad, hindi ako magsasawa,” pagtatapos ni James. LIKE OUR FACEBOOK PAGE
loading...
loading...
|
New Placenta Soaps
Archives
June 2020
Categories
All
|